Obispo, nag-alay ng panalangin sa dumaranas ng mental health problem

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,169 total reads

Nagpaabot ng mensahe ng pakikiisa ang opisyal ng Catholic Bishops’ of the Philippines sa World Mental Health Day para sa mga taong nakararanas ng suliranin sa kaisipang pangkalusugan kasabay ng nararanasang krisis dulot ng corona virus disease.

Ayon kay Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity, hindi lamang pangkatawan ang kalusugan, kundi maging sa kaisipan na dapat na pakaingatan at pagtuunan ng pansin.

“Kaya dapat maging maingat at maging conscious tayo kasi ito’y bahagi rin ng ating kalusugan. Madalas nakikita natin ang kalusugan natin na pangkatawan lang, kun’di pati sa ating kaisipan, may kalusugan din d’yan,” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radyo Veritas.

Kaugnay nito, hinikayat ng obispo ang pag-aalay ng panalangin para sa mga taong may problema sa mental health na makatutulong para mapagaan ang kanilang mga dinaramdam.

Iginiit ng Obispo na ang mga nag-aalay ng panalangin sa kapwa ay matutulungan ring maibsan ang pansariling karamdaman sa kaisipan.

Panalangin ni Bishop Pabillo sa paggunita ng World Mental Health Day:

“Diyos Amang mapagmahal, kami po’y nagpapasalamat sa’yo sa biyaya ng aming kalusugan. Kalusugan sa aming katawan, sa aming kaisipan at sa aming kaluluwa.

Ipinagdadasal po namin ngayon ang World Mental Health Awareness, ang mga kapatid namin na magkaiba po ng mga problema sa kanilang kalusugang pangkaisipan.

Gabayan n’yo po sila, iligtas n’yo po sila, bigyan po sila ng mga taong makakaunawa sa kanila at makakatulong sa kanila; At ipinagdarasal din po namin na kaming lahat ay maligtas sa ganitong karamdaman sa aming kaisipan.

Ito po’y aming hinihiling sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.”

Gugunitain ang World Mental Health Day sa ika-10 ng Oktubre upang mabigyang-pansin at magkaroon ng kamalayan ang bawat isa sa lumalalang bilang ng mga taong nakararanas ng depresyon na humahantong sa pagpapatiwakal.

Batay naman sa tala ng National Center for Mental Health (NCMH), umabot sa 953 ang mga tawag na kanilang natanggap noong Marso hanggang Mayo, 2020.

Inihayag ng N-C-M-H na ang monthly average calls na may kaugnayan sa suicide ay tumaas ng 45 kada buwan.

Ipinakita naman sa Social Weather Station survey noong Hulyo na 84 porsyento ng mga Filipino ay nakararanas ng depression dahil sa epekto ng pandemya.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 51,339 total reads

 51,339 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 100,613 total reads

 100,613 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 221,192 total reads

 221,192 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 271,550 total reads

 271,550 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 396,735 total reads

 396,735 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 233,957 total reads

 233,957 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top