BEC, malaking bahagi sa paglago ng pananampalatayang Kristiyano

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 751 total reads

Inihayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Committee on Basic Ecclesial Community na malaki ang papel na ginagampanan ng mananampalataya sa pagpalawak ng Kristiyanong pamayanan.

Ayon kay Cagayan De Oro Archbishop Jose Cabantan, chairman ng komisyon, sa pagbubuklod ng munting pamayanan ay mas lumalago ang pananampalatayang Kristiyano at lumaganap ang turo ng Panginoon.

“Malaki ang maitutulong ng BEC sapagkat ito ang Simbahan sa mga munting pamayanan; sa mga kapitbahayan,” pahayag ni Archbishop Cabantan sa Radio Veritas.

Ito ang pahayag ng arsobispo hinggil sa ulat na mas lumaki pa ang bilang ng mga Kristiyano katoliko sa buong daigdig ngayong taon.

Sa inilabas na report information service ng Pontifical Mission Societies na Fides News Service, tumaas ng halos 16-milyon ang bilang ng mga Katoliko ngayong taon o katumbas sa 1.33 billion sa kaubuuhan.

Sa naturang bilang nangunguna ang Africa sa mga kontinenteng may pinakamaraming nagpabinyag sa 9.2 milyon, 4.5 milyon naman sa America, 1.8 milyon sa Asya, 177, 000 sa Oceania habang 94, 000 naman sa Europa.

Nanatili naman ang Pilipinas sa mga bansang nangunguna sa Asya na may pinakamaraming binyagang Katoliko na nasa mahigit 80-porsyento ng higit isandaang milyong populasyon.

Binigyang diin ni Archbishop Cabantan na sa pamamagitan ng pagpapalawig ng mga BEC sa bawat lugar ay mas makahihikayat pa ito sa pananampalatayang Katoliko at paglilingkod sa Panginoon.

“Sa bukluran ng BEC may pagkakaisa ang mananampalataya; ito ang malaking partisipasyon sa Misyon ng simbahan na makahikayat ng tao tungo sa Panginoon,” dagdag pa ni Archbishop Cabantan.

Ikinatuwa ng simbahang katolika ang pagtaas ng bilang ng mananampalataya lalo’t sa Pilipinas ay maigting ang paghahanda ng simbahan sa pagdiriwang ng ikalimandaang taon ng Kristiyanismo sa bansa sa 2021.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 57,900 total reads

 57,900 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 94,116 total reads

 94,116 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 129,415 total reads

 129,415 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 355,686 total reads

 355,686 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 245,874 total reads

 245,874 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top