Waste incineration bill, tinututulan ng makakalikasang grupo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 775 total reads

Naglabas ng petisyon ang iba’t-ibang makakalikasang grupo laban sa panukalang batas hinggil sa waste incineration sa bansa.

Nakasaad dito ang pagtutol ng mga organisasyon upang hindi mabigyang daan ang nasabing panukalang batas na magpapahintulot sa pagsusunog ng basura para sa waste treatment at upang pagkunan ng enerhiya.

Ayon kay No Burn Pilipinas, senior campaign manager Glen Ymata, kanilang kinausap ang mga mambabatas para ipaliwanag ang magiging epekto ng waste incineration dito sa bansa.

Aniya, hindi kailangan ang ganitong pamamaraaan na maaaring magdulot ng polusyon na hatid ay panganib di lamang sa kalikasan, kundi maging sa kalusugan ng tao.

“Kinakausap namin yung ilang mga mambabatas para ipaliwanag sa kanila, saan ba nagmumula talaga yung oposisyon ng mga iba’t ibang mga grupo at komunidad patungkol sa planong gamit ng waste incineration dito sa ating bansa. Para din ng sa gayon ay mai-reconsider nila yung kanilang policy action, that’s one. Second, patuloy na isinasagawa namin yung zero waste approach doon sa waste management kasi dito umuusbong yung clamor ng mga proponents na i-adapt na natin yung ganitong klase ng teknolohiya,” pahayag ni Ymata sa panayam ng Radyo Veritas.

Ipinaliwanag ni Ymata na maaring mapangasiwaan ng maayos ang mga basura sa bansa kung susundin lamang ng mga lokal na pamahalaan at iba pang sektor ang nakasaad sa Ecological Solid Waste Management Act at pagsasagawa na rin ng zero waste management.

“Kasi ang sabi nila [mga mambabatas] ay lumalala ang problema sa basura at hindi ito natutugunan nung ecologocal solid waste management act. So kaya pinatutunayan ng mga communities, ng ilang mga partner na local government units na kung susundin lamang talaga yung ecological solid waste management act at sasangkapan ito nung tinatawag nga namin na zero waste approach ay posible na mapangasiwaan talaga ng maayos yung ating basura,” ayon kay Ymata.

Nakasaad din sa petisyon ng mga makakalikasang grupo, ang iba pang batas tulad na lamang ng Renewable Energy Act at Clean Air Act na maaaring maging batayan upang mas makahanap pa ng solusyon upang mapigilan ang pagdami at pagsusunog ng mga basura sa bansa.

Hinihikayat din ng grupo ang pagtutulungan upang mapaigting ng mga lokal at ahensya ng pamahalaan gayundin sa mga komunidad ang pagpapatupad at pagsasagawa ng wastong paraan upang pangalagaan ang kalikasan.

Ayon sa Laudato Si ni Pope Francis, mahalaga ang pagiging mapagmatyag ng komunidad upang matiyak na wasto at may moral na pamantayan ang pamahalaan sa pagpapatupad ng mga batas na nangangalaga sa kalikasan.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 3,487 total reads

 3,487 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 5,365 total reads

 5,365 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 14,049 total reads

 14,048 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 51,426 total reads

 51,426 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 82,698 total reads

 82,697 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 159,335 total reads

 159,335 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 252,897 total reads

 252,897 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 73,410 total reads

 73,410 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top