Pagkahirang kay Cardinal-elect Advincula, isang karangalan sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 872 total reads

Nagpaabot ng pagbati ang Obispo ng Diocese of Kidapawan sa bagong hirang na Cardinal ng Pilipinas na si Cardinal-elect Capiz Archbishop Jose Advincula.

Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, National Chairperson ng NASSA / Caritas Philippines, isang magandang balita ang pagkakahirang ng Kanyang Kabanalan Francisco ng bagong Cardinal ng Pilipinas mula sa Archdiocese of Capiz.

Itinuturing ito ni Bishop Bagaforo na isang sorpresa at pagpapamalas ng pambihirang paggabay ng Espiritu Santo sa Simbahang Katolika maging sa gitna ng krisis na dulot ng pandemya.

“Congratulations kay Cardinal Elect Joe Advincula!! Talaga naman po marami sa atin ang nagulat sa pagkapili ng ating bagong Cardinal mula sa Archdiocese of Capiz. Talaga nga naman na ‘the holy spirit moves sometimes in unexpected ways…’ pahayag ni Bishop Bagaforo sa Radio Veritas.

Inihayag ng Obispo na isang karangalan para sa Pilipinas at sa buong Panay island ang pagkakaroon ng bagong Cardinal mula sa kanilang hanay.

Ipinaliwanag ni Bishop Bagaforo na ang mga Cardinal ay nagsisilbi rin bilang “Pope’s Advisers” kung kaya’t dahil sa pagkakahirang kay Cardinal-elect Advincula ay higit pang madadagdagan ang kamalayan ng Holy See at ng Santo Papa Francisco sa tunay na kalagayan ng mga Katoliko hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa buong Asya.

“Malaking karangalan po sa Pilipinas at now in Capiz Archdiocese and the whole of Panay island for this honor of having a Cardinal mula sa kanilang hanay. Cardinals are “Pope’s Advisers” and so lalo pang madagdagan ang knowledge ng Seat of Peter tungkol sa kalagayan ng mga Pilipino at dito sa Asia.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Si Cardinal-elect Advincula na mahigit 8-taon ng nagsisilbi bilang Arsobispo ng Capiz ay isa sa labing tatlong iba pa na itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco bilang mga bagong Cardinal ng Simbahang Katolika.

Naunang ikinatuwala ni Balanga Bishop Ruperto Santos ang pagkakahirang ni Pope Francis kay Cardinal-elect Advincula.

Read: https://www.veritas846.ph/pagkahirang-ng-santo-papa-kay-cardinal-advincula-ikinatuwa-ng-isang-opisyal-ng-cbcp/

Bukod sa pagsisilbi bilang taga-payo at katuwang ng Santo Papa sa pamamahala ng Simbahan sa buong mundo, kabilang din sa mga tungkulin ng mga Cardinal ay ang paghahalal ng bagong Santo Papa bilang bahagi ng College of Cardinal.

Sa kabuuan ang Simbahan ay mayroong higit sa 200-miyembro ng College of Cardinals kung saan 129 ang kabilang sa Cardinal Electors o mga Cardinal na wala pa sa edad 80-taong gulang.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 14,331 total reads

 14,331 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 31,034 total reads

 31,034 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 71,152 total reads

 71,152 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 105,279 total reads

 105,279 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 161,685 total reads

 161,685 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 14,332 total reads

 14,332 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »
Scroll to Top