Diocese of Cubao, tutol na gawing FPJ avenue ang San Francisco del Monte avenue

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 261,001 total reads

Nagpahayag ng pagtutol ang diyosesis ng Cubao sa Senate bill 1822 o pagpapalit ng pangalang San Francisco del Monte Avenue bilang Fernando Poe Junior Avenue.

Sa opisyal na pahayag ng diyosesis, hinimok nito ang mga mambabatas at senador na balikan ang kasaysayan dahil dito nag-uugat ang tunay na pagkakakilanlan ng isang lugar gaya ng Quezon City.

“The Diocese of Cubao expresses our opposition to the proposed renaming of Del Monte Avenue. The name “Del Monte Avenue” has tremendous historical, religious, and cultural significance associated with it, especially for Quezon City.” bahagi ng opisyal na pahayag ng Diyosesis.

Taong 1590 pinangalanan ng santong si San Pedro Bautista ang kauna unahang lugar sa quezon city na san Francisco del Monte nang magtatag siya dito ng simbahan at retreat house ng mga Franciscano.

Ipinangalan ito kay San Francisco ng Asisi at dinagdagan ng katagang del Monte dahil sa bulubundukin noon ang lugar na ito sa Quezon city.

Inihayag naman ng diyosesis ang pagkilala nito kay FPJ bilang national artist subalit nanindigan ang simbahan na hindi dapat baguhin ang pangalan ng del Monte Avenue.

“While we laud the achievements of the late Fernando Poe, Jr, we cannot agree to cast into oblivion the name of the street around which a community has built its historical, religious, and cultural heritage. Other streets connected to Fernando Poe, Jr. can be considered to be renamed after him. Keep Del Monte Avenue as Del Monte Avenue.” Pahayag pa ng Diyosesis.

Matatandaang una nang tinutulan ng Order of Friars Minor o mga Franciscano ang Senate bill 1822 dahil si San Pedro Bautista mismo ang nagtatag at nagpalaganap ng kongregasyong ito sa Pilipinas.

Bishop Presto, nakiisa sa mga binaha

 13,894 total reads

 13,894 total reads Nakikiisa si San Fernando-La Union Bishop Daniel Presto sa mga Pilipinong nakararanas ng matinding pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon, habang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

SOP

 38,798 total reads

 38,798 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 57,006 total reads

 57,006 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 141,337 total reads

 141,337 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 178,710 total reads

 178,710 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 209,312 total reads

 209,312 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 377,685 total reads

 377,685 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top