Proyektong pang-imprastraktura sa Bulacan, sanhi ng baha-ayon sa pari

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 803 total reads

Nanawagan ang Diocese of Malolos sa Local Government Units (LGU) sa Bulacan na solusyunan ang mga problemang nagdudulot ng pagbaha sa buong lalawigan tuwing tag-ulan gaya ng mga proyektong pang imprastraktura.

Ayon kay Fr. Efren Basco, social action center director ng diocese, dahil sa mga bagong gawang kalsada gaya sa Mc Arthur Highway bumaba ang mga lumang kalsada at naging makitid ang mga lumang drainage na dahilan kung bakit mas malalim ang mga pagbaha ngayon.

“Pakiusap sa ating LGUs na ating mga partners din na bago pa ang tag-ulan maihanda na ang mga critical problems sa mga community, halimbawa tinaas ang Mac Arthur Highway at yung mga problem yung mga lumang daan makitid ang drainage kaya nawawalan din ng saysay yung infrastructure dahil hindi naaayon sa mga bagong gawa, kaya ngayon baha konting ulan lang baha, reklamo ng tao, masisikip ang mga lumang drainage. Panawagan namin na sana bigyan ng solusyon para di makabigat ito sa mga tao lalo na tuwing tag-ulan,” pahayag ni Fr. Basco sa programang Barangay Simbayanan sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito, nasa Meycauayan Bulacan ang SAC ng diocese upang mamahagi ng mga relief goods sa mga nabaha.

Nagpasalamat din si Fr. Basco sa Radyo Veritas at sa Caritas Manila na nakikipag-ugnayan sa diocese sa kung ano ang kanilang mga pangangailangan tuwing ganito ang sitwasyon.

Nanawagan din si Fr. Basco sa mga parokya na magkaroon ng sariling inisyatibo sa paghahanda para sa mga paparating pang kalamidad upang hindi gaanong malaki ang pinsala na idudulot nito sa mga mamamayan kung may kaukulan ng paghahanda bago pa ang kalamidad.

“Nakapaghanda tayo ng relief good para sa Meycauayan, dun lubog nakakatulong naman ang lgus, manageable naman salamat din sa Radyo Veritas at Caritas Manila na umaantabay sa atin, nakisuyo ang Meycauayan dadalhan natin ng relief good ngayon, nananawagan din ang diocese na sana yung mga parokya natin sarili inisyatibo na maghanda para maging magaan ang operasyon natin at makatanggap ang social action ng tulong lalo na ang goods, gamot at iba pa para mapaghandaan natin yung mga darating pang bagyo,” ayon pa sa pari.

Kahapon, nasa higit 2,000 o 2, 461 na indibidwal pa rin ang nasa siyam na evacuation centers sa Bulacan dahil na rin sa labis na pag-ulan na epekto ng Habagat nitong nakalipas na mga araw.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 63,123 total reads

 63,123 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 111,818 total reads

 111,818 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 159,691 total reads

 159,691 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 263,636 total reads

 263,636 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 346,695 total reads

 346,695 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 309,869 total reads

 309,869 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 416,943 total reads

 416,943 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top