Diocese ng Baguio, tiniyak ang pagpapairal ng health protocol sa pagbubukas ng turismo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 627 total views

Tiniyak ng Diocese ng Baguio ang pagsunod sa mga panuntunan ng lokal na pamahalaan ng lalawigan upang maiwasan ang pagkalat ng Coronavirus disease.

Ito’y kaugnay na rin sa pagpapahintulot na muling buksan ang lungsod para sa mga residente ng Luzon sa kabila ng banta ng pandemya.

Ayon kay Baguio Bishop Victor Bendico, ang pagpapahintulot na buksan ang lungsod sa mga hindi nito residente ay responsibilidad ng lokal na pamahalaan, gayundin sa usapin ng turismo at pangkalusugan.

“The re-opening of Baguio to non-residents is the concern of Baguio government not the church. Tourism and health of the people are basically government concerns. Even the church is merely following government protocols during this pandemic,” ang pahayag ni Bishop Bendico sa panayam ng Radyo Veritas.

Dagdag pa ng obispo na maging ang simbahan ay sumusunod din sa safety health protocols na inilalabas ng pamahalaan upang maiwasan ang epektong dulot ng pandemya.

Pinaaalalahanan ng diyosesis ang mga mananampalataya na patuloy na sundin ang mga ipinapatupad na safety health protocol lalo’t inaasahan na ang pagdagsa ng mga turista sa lungsod.

Sa huling tala ng Baguio City COVID-19 Monitoring, umabot na sa 1,895 ang kabuuang kaso ng virus sa lungsod, 1,316 ang naitalang mga gumaling habang 25 naman ang nasawi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 139,358 total views

 139,358 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 169,582 total views

 169,582 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 196,228 total views

 196,228 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 291,201 total views

 291,201 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 303,196 total views

 303,196 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top