Simbahan, naka-alerto sa panibagong bagyo matapos ang pananalasa ng bagyong Quinta

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 645 total reads

Patuloy ang isinasagawang rapid assessment ng mga diocese na higit na naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Quinta.

Ayon kay Apostolic Vicariate of San Jose, Occidental Mindoro Social Action Director Fr. Rolando Villanueva, na matindi ang naging epekto ng bagyong Quinta sa bikaryato na hanggang ngayon ay nagdudulot pa rin ng power outage sa lugar.

Sa ngayon, ayon sa pari, wala namang naitalang indibidwal na nasawi ngunit matindi ang naidulot na pinsala sa tirahan ng mga residente maging sa mga pananim nito na pinagmumulan ng kanilang kabuhayan.

“Grabe po ang damaged shutdown ang electricity 2 nights no internet also. So far, no casualty, damages heavily on agricultural products and household residences,” ang pahayag ni Fr. Villanueva sa panayam ng Radyo Veritas.

Ayon naman kay Virac, Catanduanes Social Action Director Fr. Renato dela Rosa, ang San Lorenzo Ruiz de Manila Mission Parish sa Tubli, sa bayan ng Caramoran, pa lamang ang nagbigay ng update na sa kasalukuyan ay may mga evacuees na pinatuloy muna sa kanilang simbahan.

Dagdag pa ng pari na nauna nang nagsagawa ng Information Education and Communication (IEC) campaign ang simbahan sa mga barangay at lokal na pamahalaan upang mas maging handa at ligtas ang komunidad kapag muling nanalasa ang kalamidad.

Patuloy namang humihiling ng panalangin ang mga diyosesis, gayundin, ng tulong para sa mga residenteng lubhang naapektuhan ng sakuna.

Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Quinta, ngunit binabantayan naman ngayon ang panibagong sama ng panahon na tatawaging bagyong Rolly na inaasahang papasok sa teritoryo ng bansa bukas ng umaga o hapon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 5,224 total reads

 5,224 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 42,604 total reads

 42,604 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 73,875 total reads

 73,875 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 151,084 total reads

 151,084 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 245,035 total reads

 245,035 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 72,940 total reads

 72,940 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top