AMRSP, tutugon sa pangangailangan ng mga sinalanta ng bagyong Rolly

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 619 total reads

Tiniyak ng Association of Major Religious Superiors of the Philippines (AMRSP) ang tulong sa mga naapektuhan ng pananalasa ng super typhoon Rolly sa bansa.

Ayon kay AMRSP Co-Executive Secretary Father Angel Cortez, OFM sa ilalim ng AMRSPCares program ay ipapaabot nila ang tulong.

Inihayag ni Fr. Cortez ang pakikipag-ugnayan ng AMRSP sa iba’t-ibang kongregasyon upang makapangalap ng tulong at makapagpaabot ng ayuda sa mas maraming mamamayan na sinalanta ng bagyo.

“We are preparing for the worst-case scenario, under AMRSPCares program we will help to the needs of our brothers and sister affected by Rolly. We will ask the congregations to help and collaborate so we can reach more affected people.” pahayag ni Father Cortez sa panayam sa Radio Veritas.

Hinikayat rin ng Pari ang mamamayan na magkaisa sa pagtulong at pagbibigay ayuda sa mga lubos na naapektuhan ng bagyo na nagdulot ng pagkawasak at pagkasira hindi lamang ng mga tahanan kundi maging sa kabuhayan ng mga residente.

Sinabi ni Fr. Cortez na tatanggap rin ng tulong ang AMRSP mula sa mga nais na maging daluyan ng habag at awa ng Panginoon para sa mga nangangailan.

Iginiit ng Pari na sa oras ng mga pagsubok at kagipitan tulad ng pananalasa ng super typhoon Rolly ay napakahalaga ng pagtutulungan ng lahat.

“Sa mga kapanalig na nais magpaabot ng tulong maari nyo po ipadala sa AMRSP Metro Bank Accnt. Association of Major Religious Superiors Special Fund MBTC 259-3-25907445-3 or GCash and Paypal account 09667804425. Wag po tayo magsawa tumulong sa mga taong mas higit na nangangailangan sa atin.” apela ni Fr. Cortez.

Naunang nagpaabot ng 1-milyong pisong cash aid ang Caritas Manila sa limang Diyosesis at Arkidiyosesis na lubhang sinalanta ng bagyong Rolly.

Read: https://www.veritas846.ph/1-milyong-pisong-cash-aid-ibibigay-ng-caritas-manila-sa-mga-sinalanta-ng-bagyong-rolly/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 18,254 total reads

 18,254 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 99,116 total reads

 99,116 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 193,342 total reads

 193,342 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 253,831 total reads

 253,831 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 266,791 total reads

 266,791 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 18,312 total reads

 18,312 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top