Ilang residente ng Bacoor, binagyo na nasunugan pa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 701 total reads

Nananatili sa evacuation center ang may 400 pamilyang apektado ng naganap na sunog sa isang residential area sa lungsod ng Bacoor sa Cavite.

Nagmula ang mga apektadong pamilya na kinabibilangan ng nasa 1,600 indibidwal mula sa Barangay Alima at Barangay Sineguelasan sa lungsod.

Naunang nagsilikas at nagpunta sa evacuation centers ang mga residenteng nakatira sa tabi ng dagat upang makaiwas sa storm surge na dala ng bagyong Rolly.

Ayon kay Fr. Mel Sandoval, kura paroko ng Saint Michael the Archangel Parish, patuloy na inaayos ng Department of Social Welfare and Development ang proseso upang matulungan ang mga naapektuhang pamilya na nagsisiksikan sa mga evacuation centers.

Sinabi ng pari na pagkatapos na ma-evaluate ng DSWD ang mga pamilya, agad itong kinukupkop ng parokya upang ilipat sa mas maluwag na Saint Michael Parochial School.

Dito’y ang bawat pamilya ay may nakalaang isang kwarto at hinahandugan ng parokya ng mga pangunahin nilang pangangailangan tulad ng pagkain.

“Ang ginawa namin sa parokya dahil malapit lang, ‘pag naayos na ng DSWD ‘yung mga pamilya, amin na pong kinukuha. Ineevacuate po namin sa St. Michael Parochial School at doon po namin binibigyan ng isang kwarto per family tapos ay aming binibigyan sila ng kanilang mga pangangailangan.,” ang pahayag ni Fr. Sandoval sa panayam ng Radyo Veritas.

Wala namang tinutukoy ang pari sa puno’t dulo ng naganap na sunog, sa halip ayon kay Fr. Sandoval na mas pinagtutuunan ng pansin ng parokya ang patuloy na pagtulong sa mga naapektuhan hanggang sa mailipat ang mga ito sa relocation center.

“Ang concern ng parokya ay tulungan hanggang sa sila’y madala doon sa relocation center, kung ano man ang kanilang plano. Inaayos natin ‘yung lahat ng pangangailangan at from here hanggang sa kung saan man sila mai-relocate ay tutulungan po ng parokya,” ayon sa pari.

Samantala, ayon naman kay Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla, ang bawat mga apektadong pamilya ay makakatanggap ng P10,000 bilang tulong ng lokal na pamahalaan.

Sa ngayon ay tinutukoy pa rin ang dahilan ng sunog na batay sa paunang ulat ng Bureau of Fire Protection Bacoor, napag-alaman na nagmula ang sunog sa isang bahay sa Brgy. Alima.

Itinanggi naman ng lokal na pamahalaan ang alegasyong arson o sinadya ang pangyayaring sunog sa lugar.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 22,719 total reads

 22,719 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 103,231 total reads

 103,231 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 197,458 total reads

 197,458 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 257,947 total reads

 257,947 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 270,671 total reads

 270,671 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 70,707 total reads

 70,707 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top