ACN, tutulong sa rehabilitasyon ng mga lugar na sinalanta ng bagyong Rolly.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 836 total reads

Tiniyak ng Aid to the Church in Need Philippines ang pakikiisa sa mga nasalanta ng Super Typhoon Rolly sa Bicol region at mga karatig lalawigan.

Ayon kay ACN Philippines National Director Jonathan Luciano, handa ang sangay ng pontifical foundation ng Vatican dito sa Pilipinas na tumulong sa pagbangon ng mga nasalanta ng bagyo partikular na sa pagsasaayos ng mga nasirang Simbahan at mga semaryo.

Sinabi ni Luciano na katuwang ng mga benefactors at mission partners ng ACN Philippines sa buong mundo ay makakaasa ang mga nasalanta ng Super Typhoon Rolly sa Bicol region sa tulong at suporta para sa muling pagbangon ng mga biktima ng Super Typhoon Rolly.

“Patuloy pong nakikiisa sa pakikiramay ang ACN Philippines sa mga kababayan nating nasalanta ng nagdaang bagyong Rolly. Handa po ang ACN, sa pamamagitan ng aming mga bukas palad na benefactors at mission partners sa buong mundo na tumulong sa pagbangon ng ating mga kapatid sa Bicol lalo na po sa pagsasaayos ng mga nasirang Simbahan at seminaryo, tulad ng ginawa naming pagtulong sa mga kapatid natin sa Arkidiyosesis ng Palo na nasalanta ng bagyong Yolanda noong 2013. Makakaasa ang ating mga kapatid sa Bicol na tutulong ang ACN sa kanilang pagbangong muli.” paghayag ni Luciano sa panayam sa Radio Veritas.

Pagbabahagi ni Luciano, nakikipag-ugnayan na ang ACN Philippines kay Legazpi Bishop Joel Baylon at sa Social Action Center ng diyosesis kaugnay sa pagpapaabot ng tulong para sa pagpapaayos ng mga nasirang Simbahan at seminaryo dahil sa pananalasa ng Super Typhoon Rolly sa Bicol region.

“I have coordinated with Bishop Joel Baylon [of the Diocese of Legazpi], I informed him of ACN readiness to help for the reconstruction of their destroyed churches and the seminary. I am just waiting for communication from their social action director.” Dagdag pa ni Luciano.

Matatandaang isa ang pontifical foundation ng Vatican na Aid to the Church in Need sa mga kagyat na nagpaabot ng tulong sa mga nasalanta ng Super Typhoon Yolanda sa Eastern Visayas region sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan sa Arkidiyosesis ng Palo at mga diyosesis na nakakasakop sa lalawigan na nasalanta ng bagyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 60,327 total reads

 60,327 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 156,497 total reads

 156,497 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 200,765 total reads

 200,765 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 223,874 total reads

 223,874 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 296,352 total reads

 296,352 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top