5-milyong piso, tulong pinansiyal ng Caritas Manila sa 5-Diyosesis na sinalanta ng bagyo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,630 total views

Naglaan ng tig-isang milyong piso ang Caritas Manila sa bawat diyosesis na labis na nasalanta ng nagdaang Super Typhoon Rolly.

Ito ang inihayag ni Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila kasabay na rin ng pahayag ng pagtugon naman sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses.

Ayon sa pari, tuloy-tuloy pa rin ang pagtanggap ng donasyon ng Caritas Manila matapos ang isinagawang Caritas Oplan Damayan Telethon na umaabot na sa walong milyong piso ang nakakalap.

“Maraming tumugon sa ating Typhoon Rolly Telethon, nakalikom tayo ng seven to eight million. May mga dumarating pa. basically tag-iisang milyon sa mga dioceses na tinamaan lalung lalu na sa Bicol Region,” ayon kay Fr. Pascual.

Ito ay bukod pa sa paunang 200-libong piso na ibinahagi ng Caritas Manila sa limang diyosesis na naapektuhan ng malakas na bagyo.

Kabilang sa mga tumanggap na tulong sa Caritas Manila ang mga diyosesis ng Legazpi, Daet, Virac, Catanduanes at Gumaca.

Sa kasalukuyan ay naghahanda rin ang social arm ng Archdiocese of Manila para naman tumugon sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses na nagdulot naman ng malawakang pagbaha sa Metro Manila at mga karatig lalawigan.

Ayon sa ulat, kabilang sa mga lugar na labis na binaha ang Maynila, Marikina, Bulacan, Rizal at Cavite.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 29,037 total views

 29,037 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 202,971 total views

 202,971 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 180,604 total views

 180,604 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 243,671 total views

 243,671 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 261,327 total views

 261,327 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top