DSWD at PHILHEALTH, pinakikilos para paglingkuran ang mga nasalanta ng kalamidad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,177 total views

Ibinahagi ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na pinagkakatiwalaan ng Panginoon ang mga tao ng talento upang gamitin sa paglingap ng kapwa.

Ito ang pagninilay ni Ozamis Archbishop Martin Jumoad, kinatawan ng Mindanao sa C-B-C-P kaugnay sa nalalapit na pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari sa ika – 22 ng Nobyembre.

Ayon sa arsobispo, mahalagang gamitin ng tao ang mga kaloob na talento upang tulungan ang higit nangangailangan partikular ang mga nasalanta ng bagyo.

“Jesus is the King of Kings! He continues to mobilize us by giving us talents and let this talent be used to help the victims of the typhoons that destroyed our land,” pahayag ni Archbishop Jumoad sa Radio Veritas.

Umaapela ang arsobispo sa mamamayan na magkaisang kumilos upang maibsan ang paghihirap na dinanas ng mga naapektuhan ng mga kalamidad sa gitna ng pandemya bunsod ng corona virus.

Binigyang diin din ni Archbishop Jumoad na maging ang pamahalaan at mga kawani nito ay pinagkakatiwalaan ng Panginoon sa paglilingkod sa sambayanan partikular na sa mga dukha.

“Government agencies are also the instrument of Jesus as King of Kings to extend the help to the lost and least in our society,” ayon kay Archbishop Jumoad.

Partikular na tinukoy ng arsobispo ang Deaprtment of Social Welfare and Development, Philippine Health Insurance Corporation at ang Bureau of Customs na nawa’y maging tapat sa kanilang tungkulin sa paglilingkod sa mamamayan.

Hiling ni Archbishop Jumoad sa D-S-W-D na agad ipamahagi ang tulong para sa mga nasalanta ng magkakasunod na bagyo at huwag nang iimbak upang hindi masayang tulad ng mga nabulok na relief goods noong manalasa ang bagyong Yolanda.

Umaasa rin ang arsobispo ng Ozamis na paigtingin ng Philhealth ang serbisyo sa mga Filipino upang maibalik ang tiwala ng mga tao sa ahensya na labis nabahiran ng katiwalian.

“Jesus as King of Kings send people in Philhealth to help those who are sick; I hope Philhealth will help the poor and they have to regain their credibility,” giit ng arsobispo.

Batay sa huling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council tinatayang halos dalawang milyong indibidwal partikular sa Luzon ang naapektuhan ng malawakang pagbaha kasund ng pananalasa ng bagyong Pepito, Quinta, Rolly at Ulysses.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 69,846 total views

 69,846 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 97,851 total views

 97,851 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 115,651 total views

 115,651 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 112,816 total views

 112,816 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 220,045 total views

 220,045 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top