Apostolic Vicariate of Puerto Princesa, naalarma sa sunod-sunod na pagpaslang sa Palawan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 713 total views

Labis na nabahala ang Apostolic Vicariate of Puerto Princesa Palawan sa sunod-sunod na pamamaslang sa lalawigan sa nakalipas na linggo.

Mariing kinundena ni Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona ang mga karumal-dumal na krimeng patuloy nagaganap sa lalawigan sa gitna ng krisis na dulot ng corona virus pandemic.

“We are deeply alarmed by the spate of killings happening in our community. As your spiritual leaders, we strongly condemn the evil of murder. It is utterly against the will of God to deprive anybody of what is most precious – one’s life,” pahayag ni Bishop Mesiona.

Ayon kay Bishop Mesiona, paglabag sa batas ng estado ang pagpaslang at taliwas sa kautusan ng Panginoon na pagpapahalaga sa buhay na kanyang kaloob sa sangkatauhan.

Ang pahayag ni Bishop Mesiona ay kasunod ng pagpaslang kay Atty. Eric Jay Magcamit noong ika – 17 ng Nobyembre sa barangay Malinao bayan ng Narra at barangay Poblacion Chairman Roderick Perocho noong ikaanim ng buwan.

Dahil dito hinimok ng obispo ang mga otoridad na paigtingin ang imbestigasyon upang mabigyang katarungan ang pagkamatay nina Magcamit, Perocho at iba pang biktima ng pamamaslang sa bansa.

“We urge our civil authorities to promptly conduct appropriate investigation and to bring into justice those who are guilty,” dagdag pa ng obispo.

Tiniyak din ng obispo sa pamilya ng mga biktima ang pakikiisa ng simbahan sa pananalangin para sa katatagan at katarungan.

“We also want to assure the bereaved members of the families of our sincere solidarity and fervent prayers. It is in these trying times that all the more we call and cling on to God who alone brings true comfort and strength.”pagtiyak ng Obispo

Ayon sa Integrated Bar of The Philippines si Magcamit na ang ika – 52 abogado na napaslang mula 2016 sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Labis din ang pagkundena ng grupo sa mga karahasan at pamamaslang sa mga abogado na maituturing na pang-atake sa sistemang pangkatarungan ng Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 71,227 total views

 71,227 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 99,232 total views

 99,232 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 117,032 total views

 117,032 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 114,127 total views

 114,127 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 221,220 total views

 221,220 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top