Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mamamayan, pinag-iingat ng Obispo sa donation scam

SHARE THE TRUTH

 484 total views

Pinaalalahanan ng obispo ng Novaliches ang mamamayan na mag-ingat sa pagbibigay ng tulong upang makaiwas sa pananamantala.

Ito ang mensahe ni Bishop Roberto Gaa hinggil sa pangangalap ng donasyon para sa mga nasalanta ng malawakang pagbaha at napinsala ng magkakasunod na bagyo.

Sa video message ng obispo, nangangamba ito na sa maaring pananamantala dahilan upang hindi makaabot sa mga apektadong residente ang tulong.

“Marami ang nagpa-facilitate ng tulong pero mag-iingat po tayo baka hindi lahat ng humihingi ng tulong ay maipapaabot sa mga kinauukulan; mahalaga sa mga reputable na nagbibigay ng tulong,” pahayag ni Bishop Gaa.

Paalala naman ng obispo sa mga nangangalap ng donasyon na isaisip, isapuso at pangalagaan ang reputasyon kaya’t mahalaga ang transparency.

Ipinaliwanag ni Bishop Gaa napakahirap bumangon at hilumin kung masisira ang reputasyon ng isang tao kaya’t dapat pag-ingatan ito.

Nauna nang nagbabala ang Caritas Manila at iba pang diyosesis sa bansa na maging mapanuri at siyasating mabuti kung lehetimo ang mga humihingi ng donasyon upang makaiwas sa panloloko lalo na sa online scam.

Ito’y kasunod ng pagkalat ng mga pekeng apela ng donasyon gamit ang pangalan ng simbahan at ilang lider nito.

Iginiit ni Bishop Gaa na mahalagang magkaroon ng sistema sa pangangalap lalo na sa cash donations upang makita ng mga donors ang pinatutunguhan ng kanilang donasyon.

“May sistema sana tayo sa paghingi ng tulong at makita doon na maayos ang proseso, very systematic; makikita ang pagpasok, pag-account at paglista ng mga natanggap na tulong,” paliwanag ng obispo.

Sa kasalukuyan patuloy pa rin ang Caritas Manila, Caritas Philippines at ang mga social action centers ng bawat diyosesis sa bansa sa paglingap sa mahigit 3-milyong indibidwal na biktima ng mga pagbaha sa Luzon bunsod ng magkakasunod na bagyong Pepito, Quinta, Rolly, Siony, Tonyo at Ulysses.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 44,314 total views

 44,314 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 81,795 total views

 81,795 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 113,790 total views

 113,790 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 158,523 total views

 158,523 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 181,469 total views

 181,469 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 8,592 total views

 8,592 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 19,117 total views

 19,117 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top