Kawalang aksyon ng administrasyong Marcos sa climate change at pagsusulong ng Pax Silica, ikinababahala ni Bishop Alminaza

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 37,875 total reads

Nanindigan ang Caritas Philippines na nararapat lamang na makamit ng mga Pilipino ang isang bansang may pananagutan sa pamamahala, makatarungang ekonomiya, paggalang sa karapatang pantao at pangangalaga sa kalikasan.
Ito ang tugon ng social arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines kasunod ng ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, pangulo ng Caritas Philippines, bagama’t kinikilala ng Simbahan ang mga inilatag na programa ng administrasyon para sa mga manggagawa, magsasaka, mangingisda, tsuper at mahihirap na pamilya, hindi sapat ang panandaliang ayuda kung hindi matutugunan ang ugat ng kahirapan at kawalang-katarungan.

“The Filipino people deserve more and better. They deserve reforms that confront poverty, inequality, corruption, ecological destruction and repression. They deserve an economy that serves the common good, an energy system that protects people and creation, public institutions worthy of trust, and a democracy where no one is punished for demanding justice. They deserve not merely to survive, but to live with dignity, freedom, peace and hope,” ayon kay Bishop Alminaza.

Binigyang-diin ng obispo na kailangang maging ganap ang pananagutan sa usapin ng katiwalian, lalo na sa mga isinasagawang imbestigasyon kaugnay ng mga proyekto sa flood control.
“Everyone credibly found responsible must be held accountable in accordance with due process, regardless of family name, party or position. Every peso stolen from the people must be recovered,” ani Bishop Alminaza.

Iginiit ng obispo na hindi dapat hanggang sa mga mababang opisyal lamang ang pananagutan kundi maging sa mga nagpahintulot at nakinabang sa malawalang katiwalian.
“Accountability cannot stop with those who carried out the schemes. It must also reach those who allowed them to continue and benefited from them,” dagdag pa ng pangulo ng Caritas Philippines.

Ipinahayag din ng Caritas Philippines ang pagkabahala sa kakulangan ng agarang pagtugon ng pamahalaan sa lumalalang epekto ng climate change.

Nanindigan si Bishop Alminaza, na ang pagpapahalaga sa kalikasan ang pinakamabisa at makatarungang daan ng pag-unlad sa halip na sirain para sa kaunlaran.
Iginiit din ng obispo na hindi sapat ang pagpapalawig ng Malampaya gas project upang mapababa ang halaga ng kuryente sa bansa.

Mariin ding tinututulan ng Caritas Philippines ang pagbabalik sa nuclear power, patuloy na pagpapalawak ng fossil gas at mapanirang pagmimina.
“The proposed return to nuclear power, continued fossil gas expansion and destructive mining do not lead toward a just energy future,” babala ni Bishop Alminaza.
Gayundin ang isinusulong na Pax Silica Industrial Hub sa Capas, Tarlac sa kasalukuyang anyo nito dahil sa pangambang malabag ang karapatan ng mga Aeta, magsasaka at iba pang komunidad.

“Capas is not vacant land waiting to be offered to foreign investors. It is home to Aeta communities, farmers and families whose rights, livelihoods and resources must come before corporate and geopolitical interests,” ayon sa obispo.

Binigyang-diin din nito na ang tunay na industriyalisasyon ay dapat magsulong ng pambansang pag-unlad na nakabatay sa dignidad ng tao, pangangalaga sa kalikasan at pambansang soberanya.

Nababahala din ang Caritas Philippines sa patuloy na red-tagging, pananakot at mga pag-atake laban sa mga mamamahayag, human rights defenders, mga social action worker ng Simbahan at mga aktibista.

Panawagan nitong matiyak ang malayang imbestigasyon sa mga kaso ng pamamaslang at matugunan ang usapin ng mga political prisoner.
“National security cannot justify fabricated evidence, illegal detention or the criminalization of humanitarian and community work. Security and human rights are not opposing goals—a just society requires both,” giit ni Bishop Alminaza.

Nagbabala rin ang Caritas Philippines sa mga panukalang batas laban sa fake news na maaaring gamitin upang patahimikin ang mga mamamahayag at kritiko ng pamahalaan.

“Disinformation is a serious problem, but the answer cannot be a law used against journalists, critics and ordinary citizens,” pahayag ni Bishop Alminaza.

Iginiit ng pangulo ng Caritas Philippines na ang tunay na kalagayan ng bansa ay hindi dapat masukat sa laki ng imprastraktura o paglago ng ekonomiya lamang.

“The true state of the nation will not ultimately be measured by the length of highways, the height of buildings, or the growth of GDP, but by whether every Filipino can live with dignity, participate in shaping our common future, and pass on to the next generation a nation that is more just, more compassionate, more peaceful, and more faithful to God’s creation,” ayon kay Bishop Alminaza

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 121,520 total reads

 121,520 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 165,420 total reads

 165,420 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 215,174 total reads

 215,174 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 374,370 total reads

 374,370 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 395,975 total reads

 395,975 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top