Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mamamayan, pinag-iingat ng Obispo sa donation scam

SHARE THE TRUTH

 385 total views

Pinaalalahanan ng obispo ng Novaliches ang mamamayan na mag-ingat sa pagbibigay ng tulong upang makaiwas sa pananamantala.

Ito ang mensahe ni Bishop Roberto Gaa hinggil sa pangangalap ng donasyon para sa mga nasalanta ng malawakang pagbaha at napinsala ng magkakasunod na bagyo.

Sa video message ng obispo, nangangamba ito na sa maaring pananamantala dahilan upang hindi makaabot sa mga apektadong residente ang tulong.

“Marami ang nagpa-facilitate ng tulong pero mag-iingat po tayo baka hindi lahat ng humihingi ng tulong ay maipapaabot sa mga kinauukulan; mahalaga sa mga reputable na nagbibigay ng tulong,” pahayag ni Bishop Gaa.

Paalala naman ng obispo sa mga nangangalap ng donasyon na isaisip, isapuso at pangalagaan ang reputasyon kaya’t mahalaga ang transparency.

Ipinaliwanag ni Bishop Gaa napakahirap bumangon at hilumin kung masisira ang reputasyon ng isang tao kaya’t dapat pag-ingatan ito.

Nauna nang nagbabala ang Caritas Manila at iba pang diyosesis sa bansa na maging mapanuri at siyasating mabuti kung lehetimo ang mga humihingi ng donasyon upang makaiwas sa panloloko lalo na sa online scam.

Ito’y kasunod ng pagkalat ng mga pekeng apela ng donasyon gamit ang pangalan ng simbahan at ilang lider nito.

Iginiit ni Bishop Gaa na mahalagang magkaroon ng sistema sa pangangalap lalo na sa cash donations upang makita ng mga donors ang pinatutunguhan ng kanilang donasyon.

“May sistema sana tayo sa paghingi ng tulong at makita doon na maayos ang proseso, very systematic; makikita ang pagpasok, pag-account at paglista ng mga natanggap na tulong,” paliwanag ng obispo.

Sa kasalukuyan patuloy pa rin ang Caritas Manila, Caritas Philippines at ang mga social action centers ng bawat diyosesis sa bansa sa paglingap sa mahigit 3-milyong indibidwal na biktima ng mga pagbaha sa Luzon bunsod ng magkakasunod na bagyong Pepito, Quinta, Rolly, Siony, Tonyo at Ulysses.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 18,097 total views

 18,097 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 26,765 total views

 26,765 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 34,945 total views

 34,945 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 30,893 total views

 30,893 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 42,944 total views

 42,944 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 5,924 total views

 5,924 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 11,531 total views

 11,531 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 16,686 total views

 16,686 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top