COVID-19 pandemic, mayroong kabutihang dulot sa paghahanda sa pagsilang ni Hesus

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 852 total reads

ni: Reyn Letran at Marian Navales-Pulgo

Ito ang paanyaya ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa mananampalataya sa pagsisimula ng panahon ng adbiyento.

Ang adbiyento ay ang panahon ng paghahanda sa pagsilang ni Hesus na nagsimula ika-29 ng Nobyembre hanggang ika-24 ng Disyembre.

Ipinaliwanag ni Bishop Pabillo sa kabila ng novel coronavirus pandemic ay nabalam ang maraming gawain ng mga tao na nakaapekto rin sa ninanais nating lahat sa buhay.

“We can always see something good sa pangyayaring ito,” ayon kay Bishop Pabillo sa programang Pastoral visit on the air sa Radyo Veritas.

Iginiit ni Bishop Pabillo na bagama’t hanggang ngayon ay nanatiling banta ang pandemya, ay marami pa ring dapat ipagpasalamat sa Diyos ang sangkatauhan.

Ayon sa obispo, hindi katulad ng mga nagdaang adbiyento at Pasko, ngayon ay isang pagkakataon ng katahimikan na mabigyan tuon ang pagdarasal, pagninilay at tahimik na paghahanda na siyang diwa ng adbiyento bago ang pagdiriwang sa pagsilang.

Ipinagdarasal ng obispo na nawa sa ating paghihintay sa pagsilang ni Hesus ay ang paghahanda ng tahimik para sa ating kaligtasan.

Lalu na sa pangakong pagbabalik ni Hesus sa wakas ng panahon kung saan magiging ganap ang kaligtasan ng bawat isa.

“Huwag po tayong matakot sa wakas ng panahon kasi yan po yung kaganapan ng ating kaligtasan. Sinimulan na ni Hesus ang pagliligtas sa atin nung Siya ay namatay at muling nabuhay, ipinagpapatuloy ng simbahan ang gawain ng kaligtasan. Pero ang lahat ng ito ay magaganap sa wakas ng panahon,” dagdag pa ng obispo.

Dulot ng pandemya, umiiral pa rin ang iba’t- ibang community quarantine sa buong bansa bilang pag-iingat mula sa nakamamatay na sakit.

Hanggang ngayon ay nanatiling limitado ang paglabas ng mamamayan, gayundin ang pagpunta sa mga shopping malls, pasyalan at ang pagdalo ng mga gawaing simbahan sa mga Parokya.

Sa kabuuang tala, sa higit 63-milyong kaso ng nahawaan ng Covid-19, may 43-milyong katao na ang gumaling sa sakit habang higit sa isang milyong katao ang nasawi.

Sa Pilipinas naitala ang bilang ng kaso ng Covid-19 sa higit 420-libo, kabilang na ang may 400-libo na gumaling mula sa karamdaman.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 8,393 total reads

 8,393 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 61,098 total reads

 61,098 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 108,970 total reads

 108,970 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 212,917 total reads

 212,917 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 298,602 total reads

 298,602 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top