(Climate) change is here

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 585 total reads

Mga Kapanalig, narinig natin noong Lunes ang kauna-unanang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabing maraming binaling tradisyon ang kanyang talumpati, tugma sa kanyang motto noong kampanya na “change is coming”. At dahil ang kanyang pamumuno ang inaasam-asam na pagbabago ng mga bumoto sa kanya, marahil, “change is here” na nga. Narito na nga ang pagbabago.

Ngunit may isang “change” na nangyayari na bago pa man nailuklok si Pangulong Duterte. Ito ay ang “climate change,” ang pagbabagong nararanasan ng buong daigdig sa nakalipas na ilang dekada.

Ang climate change ay ang malawakang pagbabago ng klima sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ang epekto nito ay nadarama natin sa tinatawag na global warming o ang unti-unting pag-init ng mundo. Ayon sa mga dalubhasa, may dalawang pangunahing sanhi ng climate change. Una, ang likas na pagbabago ng klima ng buong mundo nitong mga nagdaang panahon. Ang ikalawang sanhi ay ang pagtaas ng nibel ng greenhouse gases sa kalawakan, partikular ang carbon dioxide na resulta ng mga gawain ng tao. Halimbawa nito ang paggamit ng mga sasakyang gumagamit ng petrolyong langis, at ang walang pakundangang pagputol ng mga punong nag-aalis ng carbon dioxide sa hangin.

Kung hindi maiibsan, delubyo ang hatid ng climate change. Sa kasalukuyan, nakararanas ang ibang bansa ng heatwave o kaya naman ay mas mahabang panahon ng tagtuyot. Dito sa Pilipinas, mas malalakas na bagyong nagdudulot ng mapaminsalang pagbaha ang ating nararanasan. Kasabay ng pagtaas ng temperatura ng daigdig ang paglaganap ng mga sakit at malawakang malnutrisyon dahil apektado rin ang suplay ng pagkain.

Kaya nga sa kanyang encyclical na Laudato Si’, inihalintulad ni Pope Francis ang tahanan nating lahat—ang kalikasan—sa isang kapatid na nananaghoy dahil sa kapinsalaang ginagawa natin sa kanya. Dumating na tayo sa puntong itinuturing natin ang ating sarili bilang panginoon at amo na may karapatang abusin ang kalikasan. Pinapaalalahanan tayo ng ating Santo Papa sa ating kaugnayan sa kalikasan: ang ating mismong katawan ay yari sa kanyang mga elemento, inihihinga natin ang kanyang hangin, pamatid-gutom at uhaw ang kanyang katubigan. Panahon na upang itigil ang pagpapabaya at pagmamalabis sa ating kapatid na dumaraing sa kanyang paghihirap.

Dahil nga “climate change is already here”, kinakailangang nang magtulungan ang mga bansa sa buong mundo upang maibsan ang mga sanhi ng pag-init ng daigdig. Upang tumugon dito, nagkasundo ang mga bansang kasapi ng United Nations sa tinatawag na “Paris Agreement on Climate Change”. Kasama ang Pilipinas sa mga bansang nangakong panatilihing mababa pa sa 2 degrees Celsius ang pagtaas ng temperatura sa mundo kumpara noong panahon bago ang industriyalisasyon. Inoobliga rin ng kasunduang magtakda ng national target ang bawat bansa sa pagbawas o paglimita sa kanilang greenhouse gas emissions. Kailangang mag-ulat ang ng mga bansa at i-update ang kanilang mga target tuwing ikalimang taon. Hatid ng Paris Agreement ang pag-asa tungo sa pagbabago.

Nakakalungkot lang ibalita, mga Kapanalig, na noong nakaraaang linggo, ipinahayag ni Pangulong Duterte na hindi niya kikilalanin ang kasunduan. Katwiran niya, hindi naman daw siya ang pumirma roon. At bakit daw pipigilan ng mga mauunlad na bansa ang Pilipinas kung gusto raw nating maging maunlad kahit na kapalit nito ang ating kalikasan?

Iniisip marahil ng pangulo na wala nang ibang paraan tungo sa kaunlaran kundi ang tularan ang mga industriyalisadong bansang patuloy sa pagsira sa nananaghoy nating kapatid, sa mundong tahanan nating lahat. Ang nakakalungkot pa, taliwas ito sa kanyang sinabi sa kanyang inagurasyon kung saan winika niya, “On the international front and community of nations, let me reiterate that the Republic of the Philippines will honor treaties and international obligations.”

Mukhang kasama sa “change” na ipinangako ng pangulo ay ang mabilis na pagbabagu-bago ng kanyang mga sinasabi.
Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 60,891 total reads

 60,891 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 96,944 total reads

 96,944 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 132,244 total reads

 132,244 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 358,514 total reads

 358,514 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 248,540 total reads

 248,540 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Just energy transition sa Semirara

 60,892 total reads

 60,892 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 96,945 total reads

 96,945 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 132,245 total reads

 132,245 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 358,515 total reads

 358,515 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »
Scroll to Top