Toll holiday sa kahabaan ng NLEX, giit ng mambabatas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 561 total reads

Kusang nang magdeklara ng toll holiday sa buong North Luzon Expressway (NLEX). Ito ang mungkahi ni Senator Sherwin Gatchalian-vice chairman ng Senate Committee on Economic Affairs, kaugnay sa patuloy na problema sa NLEX sa mga hindi binabasang Radio Frequency-ID o RFID-stickers ng mga motorista na nagdudulot ng labis na pagsisikip sa paglabas at pagpasok sa mga expressway.
“Ito po ang toll holiday sa buong kahabaan ng NLEX,” ayon kay Senator Gatchalian. Giit ng mambabatas, inamin na rin ng pamunuan ng NLEX na maraming mga RFID readers ang hindi gumagana kaya’t marapat lamang na boluntaryong magdeklara ng toll holiday hangga’t hindi naisasayos ang sistema. “Kung alam mo naman pala na hindi gumagana ang mga (RFID) readers mo, huwag mo nang paganahin at huwag mo nang singilin ang taumbayan. Dahil nagbabayad tayo at binabalik sa atin ay bulok na RFID readers. Hindi naman tama iyon. Payagan mo munang dumaan hangga’t maayos mo itong RFID readers mo,” ayon kay Sen. Gatchalian sa panayam ng Radio Veritas.



Sa lungsod ng Valenzuela, ipinag-utos ni Mayor Rex Gatchalian ang hindi paniningil sa mga tollway na sakop ng lungsod at nagbantang kakanselahin ang business ng NLEX. Ito ay dahil na rin sa epekto ng masikip na lansangan na labis ng nakakaapekto sa publiko gayundin sa daloy ng ekonomiya ng lungsod. Una na ring nagsumite ang mambabatas ng resolusyon sa senado para sa suriin ang Concession Agreement ng toll operators dahil na rin sa mga depektibong RFID system.
Hiling din ng ang paliwanag ng Toll Regulatory Board (TRB) na silang dapat nangangasiwa sa toll operation. Bukod sa hindi binabasang RFID stickers, problema rin sa mga expressway ang pila ng mga sasakyang nagpapalagay ng RFID stickers dahil sa ipinapatupad na cashless transaction sa pagbabayad ng toll fee na ang layunin ay ang mas mabilis na daloy sa kalsada at bilang pag-iingat rin mula sa pagkakahawa-hawa mula novel coronavirus. Sa kabuuan ay tinatayang may higit sa 400-libong sasakyan ang dumaraan sa North Luzon Expressway kada araw.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 15,666 total reads

 15,666 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 16,579 total reads

 16,579 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 33,013 total reads

 33,013 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 70,390 total reads

 70,390 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 101,659 total reads

 101,659 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 176,810 total reads

 176,810 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 269,441 total reads

 269,441 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 16,581 total reads

 16,581 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »
Scroll to Top