Daily reflection sa nilalaman ng Fratelli Tutti, pangungunahan ng mga lider ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 891 total reads

Magsasagawa ng Daily Reflection sa pamamagitan ng online ang Global Catholic Climate Movement o GCCM-Pilipinas upang ipaliwanag ang nilalaman ng bawat kabanata ng Ensiklikal ng Kanyang Kabanalan Francisco na Fratelli Tutti.

Ito’y bahagi pa rin ng pagdiriwang sa panahon ng Adbyento ngayong taon na may temang “In the Midst of Climate Emergency, Creation Awaits in Hope”.

Magbabahagi ng pagninilay ang iba’t ibang pinuno ng Simbahan at Theologians mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Ito’y sina Sr. Mary John Mananzan, OSB, Chairman Emeritus ng Association of Major Religious Superiors in the Philippines at Vice President for External Affairs ng St. Scholastica’s College sa Maynila; Fr. Rey Raluto, SJVTS, Academic Dean ng St. John Vianney Theological Seminary sa Cagayan de Oro; Fr. Danny Pilario, CM, Dean ng Saint Vincent School of Theology sa Quezon City; at Fr. Albert Alejo, SJ, isang paring Heswita at kilala rin bilang Paring Bert.



Magbibigay rin ng pagninilay sina San Carlos, Negros Occidental Bishop Gerardo Alminaza; Capiz Archbishop Jose Cardinal Advincula; Cagayan de Oro Archbishop Emeritus Antonio Ledesma; at Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc.

Inaanyayahan din ng grupo ang lahat na makiisa sa webinar na ihahatid sa atin ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David upang suriin ang nilalaman ng Fratelli Tutti.

Matutunghayan ang webinar, bukas, ganap na alas-9 hanggang alas-11 ng umaga at Daily Reflection simula ika-16 hanggang ika-23 ng Disyembre, ganap na alas-8 ng umaga sa facebook page ng GCCM-Pilipinas at partner organizations.

Sang-ayon sa pahayag ng Santo Papa, ang mundo ngayon ay nahaharap sa isang Climate Emergency kaya naman marapat lamang na magsama-sama at magtulungan ang lahat ng tao upang isalba ang ating tirahan.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 11,135 total reads

 11,135 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 12,437 total reads

 12,437 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 26,226 total reads

 26,226 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 63,604 total reads

 63,604 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 94,874 total reads

 94,874 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 170,420 total reads

 170,420 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 263,381 total reads

 263,381 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 73,992 total reads

 73,992 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top