Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 482 total views

Larawan kuha ni G. Marc Angelo Nicolas Carpio, Pasko 2020 sa aming parokya.

Pasko na naman.
Yan palaging sambit ng karamihan
minsan hindi maintindihan
palaging inaabangan
pero kapag nariyan na
parang tinatabangan
inaayawan
maski kinaiinisan.
Kapag natutuwa, nakangiti mga labi
sabay sabi, "(Yehey!) Pasko na namann!!!"
Pero kung nagagalit, mata'y nanglilisik:
"Pasko na naman!?!"
Kapag nagtataka, nagugulat,
mabilis pagbigkas, sa dulo umiigkas
"Pasko na naman???"
At kung walang pakialam, 
malamlam mukha, halos ibulong
"Pasko na naman."
Larawan kuha ni G. Marc Angelo Nicolas Carpio, Pasko 2020 sa aming parokya.
Iisang pangungusap
nababago dating
kung saan ang diin
kung bigkasin
batay sa damdamin
nababago ibig sabihin
ngunit kahulagan
at aral nananatili pa rin.
Hindi maililihim
sa likod ng mga katagang
"na naman"
nararamdaman
panghihinayang, pagsisi
tila mayroong gustong aminin;
ang iba naman pilit walang kibit
dahil sa sakit at pait na sinapit
kunwa'y walang pakialam
Pasko kinakalimutan.
Larawan kuha ni G. Marc Angelo Nicolas Carpio, Pasko 2020 sa aming parokya.
Pasko ay higit pa sa petsa
pera, damit at mga regalo
magarbong pagsasalo-salo;
Pasko ay pagparito sa mundo
ng Diyos na nagkatawang-tao
pangalan ay Jesu-Kristo
upang iligtas tayo
mahango sa pagkakasala.
Mababago pagbigkas
pagbati ng "Maligayang Pasko"
ngunit kahulugan mananatili
magpakailanman
ang pag-ibig na walang hanggan
ng Diyos na atin unang nagmahal
gumawa ng paraan
kaya sumilang sa sabsaban
sa ilalim ng malaking kadiliman
Kanyang Anak upang tayo samahan, damayan!
Larawan kuha ni G. Marc Angelo Nicolas Carpio, Pasko 2020 sa aming parokya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 20,589 total views

 20,589 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 48,594 total views

 48,594 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 66,394 total views

 66,394 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 65,533 total views

 65,533 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 176,500 total views

 176,500 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Leaving, disbelieving

 6,559 total views

 6,559 total views Lord My Chef Sunday Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Third Sunday of Easter, Cycle A, 19 April 2026

Read More »

Easter is coming, believing

 16,843 total views

 16,843 total views Lord My Chef Easter Recipe by Fr. Nicanor F. Lalog II Second Sunday of Easter, Divine Mercy Sunday, 12 April 2026 Acts 2:42-47

Read More »

Wala na siya rito…

 23,558 total views

 23,558 total views Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-6 ng Abril 2026 Larawan kuha ng may-akda, Sacred Heart Novitiate, Novaliches, QC, 20

Read More »

He is not here

 19,756 total views

 19,756 total views Quiet Storm by Fr. Nicanor F. Lalog II, 05 April 2026 Photo by author, La Mesa Dam seen from Seventh floor of Our

Read More »
Scroll to Top