Deboto ng Poong Hesus Nazareno, hinimok na gunitain sa bahay ang kapistahan ng Poon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 793 total reads

Sa kauna-unahang pagkakataon nanawagan ang pamunuan ng Minor Basilica of the Black Nazarene sa mga deboto ng Nuestro Padre Jesus Nazareno na kung maari ay sa bawat tahanan gunitain ang kapistahan ng Poon.

Ayon kay Rev. Msgr. Hernando Coronel, rector at parish priest ng basilica, kaisa at napakikinggan ng Panginoon ang dalangin ng mga deboto kahit sa mga tahanan ipagdiriwang ang kapistahan nito.

“Ito lang ang pagkakataon na sinabi ng Kura, na huwag kayong pumunta sa piyesta; kung pwede magdasal nalang kayo sa mga bahay ninyo, stay at home, magdasal kasama ang pamilya sapagkat nakukuha naman natin ang grasya,” pahayag ni Msgr. Coronel sa misang ginanap sa Manila City Hall.

Ipinaliwanag ng pari na ito ay para na rin sa kabutihan at kaligtasang pangkalusugan ng mga deboto mula sa banta ng pagkahawa ng corona virus.

Naunang nakipag-ugnayan ang pamunuan ng basilica sa pamahalaang lokal ng lungsod ng Maynila sa pangunguna ni Mayor Isko Moreno para sa pagsasaayos at paghahanda sa kapistahan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno.

Dalangin ni Msgr. Coronel ang ligtas, payapa at malusog na pagdiriwang ng kapistahan ng Poong Nazareno lalo’t pangunahing intensyon nito na mawakasan na ang pagkalat ng pandemya sa buong daigdig lalo na sa Pilipinas at tuluyang makahanap ng lunas para dito.

Magugunitang sa taunang pagdiriwang ng Traslacion naitatala ang humigit kumulang dalawampung milyong deboto ang dumadalo sa kabuuang pagdiriwang mula Luneta hanggang makabalik sa dambana ng basilica ang imahe ng Poong Nazareno.

Hiling naman ni Msgr. Coronel sa mga deboto na dadalo sa pagdiriwang sa Quiapo Church na mahigpit sundin ang mga safety health protocol upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

“Sa mga debotong hindi talaga mapigilan ang pagpunta sa Quiapo church, sumunod tayo! Magsuot ng facemask, face shield, magdala ng alcohol at mahalaga ang physical distancing,” ani ng pari.

Nagtalaga na rin ang lungsod ng Maynila ng apat na lugar kung saan makadalo ng misa ang mga debotong hindi makapapasok sa mga simbahan ang Villalobos, Carriedo, Hidalgo, at Plaza Miranda.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 8,568 total reads

 8,568 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 63,192 total reads

 63,192 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 148,557 total reads

 148,557 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 195,294 total reads

 195,294 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 243,166 total reads

 243,166 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 344,011 total reads

 344,011 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top