Hindi tayo pababayaan ng Poong Hesus Nazareno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 787 total reads

Pinaalalahan ng Metropolitan Cathedral of San Fernando Pampanga ang mga deboto ng Nuestro Padre Jesus Nazareno na ang Panginoon ay nanahan sa bawat isa kaya’t nadidinig nito ang kahilingan ng mamamayan.

Ayon kay Rev. Fr. Marius Roque, ang rector ng cathedral dapat hayaan ng mga deboto si Hesus na humawak at gumabay sa tao upang maibsan ang anumang uri ng paghihirap na dinaranas.

“Hayaan natin ang Sr. Nazareno ang siyang humawak sa atin, humaplos sa atin at siyang gagabay at magbibigay sa ating pangangailangan,” bahagi ng pahayag ni Fr. Roque.

Ikinagalak ng pari ang mainit na pagtanggap ng mananampalataya ng Pampanga sa pagdalaw ng Mahal na Poong Hesus Nazareno sa lugar dahil sa dami ng mga dumalo sa isinagawang Banal na Misa nitong ikalima ng Enero.

Sinabi pa ni Fr. Roque na ang pagtanggap ng mga deboto ay nagpapakita lamang ng mas malalim na debosyon at pananalig ng mga tao sa Panginoon sa pamamagitan ng Poong Nazareno.

Pinangunahan ni Rev. Fr. Douglas Badong, parochial vicar ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church ang Banal na Misa na dinaluhan ng mga deboto mula sa iba’t ibang bayan ng Pampanga.

Ang pagdalaw ng imahe ng Poong Nazareno sa Pampanga ay kabilang sa isinagawang localize traslacion bilang paraan upang mabawasan ang dami ng mga debotong dumadalaw sa dambana ng Poong Nazareno sa Quiapo tuwing ikasiyam ng Enero.

Nagpasalamat naman si Fr. Roque sa inisyatibo ng pamunuan ng Quiapo Church na mapabilang ang San Fernando Cathedral sa mga simbahang dinalaw ng Poon bago ang makasaysayang paggunita sa Traslacion. Tema ng Traslacion ngayong taon ang ‘Huwag kayong matakot! si Hesus ito’ na hango mula sa ebanghelyo ni San Mateo kabanata 14 talata 22 hanggang 23.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 11,812 total reads

 11,812 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 68,098 total reads

 68,098 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 153,464 total reads

 153,464 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 200,200 total reads

 200,200 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 248,072 total reads

 248,072 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 348,666 total reads

 348,666 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top