Kahit walang Traslacion, hindi nababawasan ang biyaya ng Panginoon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 837 total reads

Bagama’t hindi pangkaraniwan ang pagdiriwang ng Translacion at kapistahan ng Poong Hesus Nazareno ngayong taon, tiniyak naman ng opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang patuloy pa rin ang biyaya ng Panginoon.

Ito ang tiniyak ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs kaugnay na rin sa pagdiriwang ng Traslacion 2021 sa gitna ng pandemya.

“Hindi nababawasan ang biyaya na maaring ibigay ng Panginoon, ang mahalaga ay ang pagtitiwala at pananalig sa Diyos,” ayon kay Fr. Secillano.

Unang ipinagpaliban ng pamunuan ng Quiapo church at pamahalaang lokal ng Maynila ang prusisyon bilang bahagi ng pag-iingat sa pagkahawa mula sa virus at ang pagtugon sa panawagan ng pamahalaan hinggil sa pagbabawal sa maramihang pagtitipon.

Inihayag ni Fr. Secillano na hindi ang paghawak sa pisi at pagsampa sa andas ang nagkakaloob ng pagpapala kundi ang mismong kinakatawan-ang Panginoon.

“Hindi po kinakailangan na gawin ang mga bagay na ito para magbigay ng kanyang kaloob ang Panginoon sa atin. Well, hindi po sa lahat ng oras natatanggap po natin ang hinihiling natin. Pero may sinasabing in God’s own time na tayo po ang maghihintay. Basta ang mahalaga tayo ay kumakatok, tayo ay humihingi, tayo ay nakikiusap, tayo ang nagdarasal tayo ay nagtitiwala,” paliwanag pa ni Fr. Secillano.

Bukod sa Quiapo church, ilang mga simbahan sa Arkidiyosesis ng Maynila at mga karatig lalawigan ang nagsagawa ng misa nobenaryo para sa pagdiriwang ng kapistahan ng Poong Hesus Nazareno na ang layunin ay mabawasan ang mga magtutungo sa simbahan ng Quiapo.

Bagama’t walang prusisyon, ilang mga kalsada sa paligid ng Quiapo church ang isinara upang ilaan sa mga dadalo sa misa lalu’t 400-katao lamang ang maaring makapasok sa simbahan ng Quiapo at maipatupad ang physical distancing.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 11,348 total reads

 11,348 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 67,263 total reads

 67,263 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 152,629 total reads

 152,629 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 199,365 total reads

 199,365 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 247,237 total reads

 247,237 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 347,869 total reads

 347,869 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top