Karahasan laban sa mga katutubo sa Panay island, kinondena ng Visayan Bishops

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 718 total reads

Nagkaisa ang mga Obispo ng Western Visayas region na binubuo ng Metropolitan See of Jaro at Metropolitan See of Capiz sa pagkondena ng karahasang sinapit ng mga katutubong Tumandok sa Tapaz, Capiz bago matapos ang taong 2020.

Sa liham pastoral na nilagdaan ng mga Obispo ng Western Visayas region, kinundena ng mga lider ng Simbahang Katolika ang naganap na joint operation ng Philippine Army at Philippine National Police VI noong ika-30 ng Disyembre na nagtungo sa Tapaz, Capiz at Calinog, Iloilo upang maghain ng 28 search warrants sa ilalim ng Synchronized Enhanced Management of Police Operation (SEMPO) kung saan 17 katutubong Tumandok ang naaresto habang 9 naman ang nasawi.

Ayon sa mga Obispo, kaisa ng mamamayan ang Simbahan sa pananawagan ng katarungan gayundin ang pagkundina sa karahasan nagaganap sa lipunan.



Ikinadismaya ng mga Obispo ang hindi matapos-tapos na karahasan sa bansa na nagsimula sa madugong implementasyon ng War on Drugs, red-tagging sa mga kritiko ng pamahalaan partikular na sa Negros Island at pagpaslang na nagaganap sa mga katutubo sa Panay Island dahil sa pagtutol ng mga ito sa pagtatayo ng Jalaur Mega Dam.

Bilang boses ng mga naisasantabi at napagmamalupitan sa lipunan ay umapela ang mga Obispo ng Metropolitan See of Jaro at Metropolitan See of Capiz na masusing imbestigahan ang naganap na insidente sa mga katutubong Tumandok gayundin ang muling pagsusuri sa planong pagpapatayo sa Jalaur Mega Dam.

Nanawagan rin ang mga Obispo laban sa militarization na nagaganap sa mga IP Communities.

Muli ring umapela ang mga Obispo sa pagsusuot ng body camera ng mga alagad ng batas sa mga operasyon hindi lamang bilang proteksyon ng mga mamamayan laban sa karahasan at pang-aabuso ng mga alagad ng batas kundi upang magsilbi ring patunay sa tunay na naganap sa kanilang isasagawang operasyon.

Hinikayat rin ng mga Obispo ang lahat na patuloy na manalangin at maging mapagmatyag upang maprotektahan ang kapwa mula sa pang-aabuso o karahasan sa lipunan.

Binubuo ang Metropolitan See of Jaro nina Jaro Archbishop Jose Romeo Lazo, San Jose de Antique Bishop Marvyn Maceda, Bacolod Bishop Patricio Abella Buzon, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza at Kabankalan Bishop Louie Galbines habang ang Metropolitan See of Capiz naman ay binubuo nina Kalibo Bishop Jose Tala-oc, Romblon Bishop Narciso Abellana at Capiz Archbishop Jose Cardinal Advincula

PASTORAL-LETTER-OF-WESTERN-VISAYAS-BISHOPS-ON-TUMANDOK-KILLINGS-1-1

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 54,652 total reads

 54,652 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 151,156 total reads

 151,156 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 195,425 total reads

 195,425 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 218,534 total reads

 218,534 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 291,225 total reads

 291,225 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top