Pagbabakuna ng COVID-19, isang moral obligation

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 873 total reads

Ang pagpapabakuna lalo na sa panahon ng pandemya ay maituturing na isang ‘moral obligation’ para sa kabutihan ng mas nakararami.

Ito ang paalala ng Jesuit Priest at Doktor na si Fr. Manuel Perez, MD, SJ – Bioethics Professor sa Ateneo de Davao University at chairman ng University Clinics Ateneo de Davao sa panayam ng Veritas Pilipinas kaugnay sa pangunguna ng Kanyang Kabanalan Francisco sa pagpapaturok ng COVID-19 vaccine.

Ayon sa Pari, ang pagpapabakuna ng Santo Papa ay isang paraan upang mahikayat ang bawat isa na magpabakuna para sa kabutihan ng mas nakararami.

Ipinaliwanag ni Fr. Perez na hindi dapat basta maniwala ang sinuman sa iba’t-ibang haka-haka patungkol sa COVID-19 vaccine.

Pinayuhan ni Fr. Perez ang mamamayang may agam-agam sa bakuna na magsaliksik upang maunawaan ang kahalagahan at layunin nito na higit na maprotektahan ang bawat isa mula sa nakahahawa at nakamamatay na Coronavirus Disease 2019.

“Ang pagpapabakuna is a moral imperative kaya’t ang Santo Papa ay siya mismo ay nanguna na para magpabakuna. Maraming mga haka-haka tungkol sa bakuna tulad ng hindi ito safe, na kung saan saan ito nanggaling pero it serves the common good, the common denominator here is the common good na ito ay may lunas pangkalahatan, na maraming tao ang makikinabang sa pamamagitan ng pagbabakuna kaya the Holy Father himself he is encouraging us to be vaccinated. It is a moral imperative; it is a moral obligation of society and the government that all its people are vaccinated…”pahayag ni Fr. Perez sa panayam sa Radyo Veritas.

Iginiit naman ng Pari na dapat na sundin ng pamahalaan ang ‘principle of distributive justice’ sa pamamahagi ng bakuna para sa COVID-19.

Binigyan diin ni Fr. Perez na mahalagang unahin sa pagbabakuna ang mga mahihirap at mga matatanda na pinakalantad sa pagkahawa sa COVID-19.

“Para sa akin yung idea of vaccination when we receive a vaccine we’d follow the principle of distributive justice, so unang-una muna ang talagang nararapat tumanggap ng mga bakuna ay mga mahihirap, tapos simula sa mahihirap mauuna muna yung mga matatanda kasi sila yung prone, sila yung ang kanilang resistance to the disease, to the virus is not as strong sa mga younger ones…”pagbabahagi ni Fr. Perez

Naunang kinumpirma ni Matteo Bruni, Director ng Holy See Press Office na nabakunahan na ng 1st dose ng COVID-19 vaccine sina Pope Francis at Pope Emeritus Benedict the 16th bilang pananggalang mula sa nakakahawang virus.

Samantala sa Pilipinas, hinakayat rin ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) – Episcopal Office on Bio-Ethics ang mga mananampalataya na magpabakuna upang mapangalagaan ang sarili at kapwa mula sa nakahahawa at nakamamatay na sakit.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 54,499 total reads

 54,499 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 151,020 total reads

 151,020 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 195,289 total reads

 195,289 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 218,398 total reads

 218,398 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 291,093 total reads

 291,093 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top