Ano pamantayan ng isang lider

SHARE THE TRUTH

 151 total views

Mga Kapanalig, itinalaga ni Pangulong Duterte si dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II bilang bagong commissioner ng National Police Commission (o Napolcom) matapos yumao si dating Napolcom Vice Chairman Rogelio Casurao. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na siya ring nagkumpirma ng pagtatalaga, makatutulong daw ang dati nitong posisyon sa pamahalaan sa kaniyang bagong katungkulan bilang Napolcom Commissioner upang gawing “competent, effective, credible, and responsive” ang serbisyo ng mga kapulisan. Kinuwestiyon ito ng marami at tinuring pa ngang “recycling” ang muling pagtatalaga kay Aguirre.

Nagsilbi bilang kalihim ng Department of Justice (o DOJ) sa ilalim ng administrasyong Duterte mula 2016 hanggang 2018 si Aguirre. Kung ating babalikan, nagbitiw bilang kalihim ng DOJ si Aguirre noong 2018 kasunod ng mga kontrobersiyang bumalot sa DOJ. Nariyan ang pagbasura ng DOJ prosecutors sa drug charges laban sa umamin mismong big-time drug lord at drug dealer na si Kerwin Espinosa at Peter Lim. Si Aguirre din ang nagsilbing abogado ni Bienvenido Laud, dating pulis na sinasabing miyembro ng Davao Death Squad at nagmamay-ari ng Laud Quarry kung saan inililibing daw ang mga biktima ng extra-judicial killings sa lungsod ng Davao. Noong 2017, binalewala naman ng DOJ sa ilalalim pa rin ng pamumuno ni Aguirre ang drug and criminal charges na inihain ng Philippine Drug Enforcement Agency (o PDEA) laban sa dating Bureau of Customs (o BOC) commissioner na si Nicanor Faeldon at iba pang dating opisyal ng ahensya dahil sa P6.4 bilyong halaga ng shabu na nakalusot sa Customs. At nitong taon, nagbigay umano ng proteksyon si Aguirre sa isang sindikatong sangkot sa “pastillas” bribery scheme sa loob ng Bureau of Immigration (o BI).



Ilan lamang ito sa mga isyung kinasangkutan ng DOJ noong si Aguirre pa ang kalihim ng ahensya. Kilalang malapít sa isa’t-isa sina Pangulong Duterte at Aguirre; batchmates sila sa San Beda College of Law, fraternity brothers, at nagsilbing abugado rin si Aguirre  ni Pangulong Duterte sa mga kasong nag-uugnay sa Pangulo sa Davao Death Squad. Sa kabila ng paulit-ulit na pagkakasangkot ni Aguirre sa mga kontrobersiya at anomalya, hindi ba’t nakababahalang nagawa pa siyang maitalaga muli sa isang mataas at makapangyarihang katungkulan sa gobyerno? Ito ba ang halimbawa na mataas ang tiyansang maabswelto ka lalo kung may kakilala ka sa pamahalaan?

Binibigyang-diin ng panlipunang turo ng Simbahan na ang tunay na layunin ng isang responsableng lider ay ang magamit ang kapangyarihan nito upang maisagawa ang kaniyang serbisyo nang may pagsasaalang-alang sa kabutihang panlahat o common good, hindi para sa katanyagan at pagkakaroon ng personal na kalamangan. Sa madaling salita, kakampi dapat ng mamamayan ang mga kawani ng gobyerno sa paghahanap ng solusyon sa mga suliranin sa lipunan at hindi upang maging sanhi ng problema.

Isang ahensya ng gobyerno ang Napolcom na nagsisilbing taga-disiplina sa pulisya. Kasama sa mandato nito ang pangangasiwa ng mga police entrance examination, pagsasagawa ng imbestigasyon sa mga anomalya at iregularidad ng pulisya, at pagtanggal sa mga nagkasalang opisyal. Ngunit paano na lamang kung kuwestiyonable ang integridad ng lider ng isang ahensyang sumasala sa ating kapulisan? Paano mabubuo ang tiwala ng publiko sa mga kapulisan? Ngayong tumitindi ang kawalan ng katurungan higit nating kailangan ang serbisyong may pagmamalasakit sa iba. Upang mangyari ito, mahalaga na ang mga nakatataas na opisyal ang nangunguna at nagsisilbing ehemplo para sa mga opisyal na nasa ilalim nito.

Mga Kapanalig, kinakailangang tapat, may integridad, at may pananagutan ang mga opisyal ng gobyerno upang matagumpay na maisulong ang kaunlaran at kapakanan ng taumbayan, hindi ang pansariling interes ng iilan. Sabi nga sa Mga Kawikaan 16:12, “kasuklam-suklam ang paggawa ng kasamaan,  magpapagtibay lamang ang  pamamahala kung sila ay makatuwiran.”

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Financial Inclusion

 10,871 total views

 10,871 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »

Benepisyo ng Digital Technology

 15,116 total views

 15,116 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »

Alin ang mas matimbang?

 22,031 total views

 22,031 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »

Kultura ng pagpapanagot

 37,409 total views

 37,409 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »

Maging tapat sa taumbayan

 49,833 total views

 49,833 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 10,872 total views

 10,872 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 15,117 total views

 15,117 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 22,032 total views

 22,032 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 37,410 total views

 37,410 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 49,834 total views

 49,834 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Farm lots

 56,445 total views

 56,445 total views Kapanalig, usong uso na ang farm lots sa ngayon. Kapag sumilip ka sa social media, ang daming nagbebenta ng mga lupang agrikultural. May mga mahal, may mga mura. May mga rights lang na tinatawag, may mga may titulo o certificates. Madami ang nais bumili, kapanalig, kaya nga’t tumataas ng tumataas ang halaga ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Wage Gap

 57,651 total views

 57,651 total views Kapanalig, ang ganda ng achievement ng Pilipinas pagdating sa gender equality in education. Sa larangan kasi ng edukasyon, equal na o pantay na ang access ng babae at lalake. Sana hindi natin masayang ito kapanalig. Malaking milestone na ito pagdating sa gender issues sa ating bayan. Kaya lamang pagtapos makapag-aral ng maraming kababaihan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Education Equality

 67,642 total views

 67,642 total views Kapanalig, ang gender equality sa Pilipinas ay isa sa mga hinahangaan sa Asya. Itong 2023, pang 16 pa nga ang bayan sa 146 countries sa buong mundo pagdating sa gender equality, ayon sa Global Gender Gap Index Report. Pang 19 tayo dito noong 2022. Tayo ang pinaka gender equal sa Asya. Apat na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bigyang-pansin ang pagpapabakuna

 53,027 total views

 53,027 total views Mga Kapanalig, ang inyong mga anak, gaya ng sabi sa Mga Awit 127:3, ay mga pagpapalang kaloob ni Yahweh. Bilang mga regalong galing sa ating Diyos, paano ninyo ipinakikita ang pagpapahalaga sa inyong mga anak? Siguro, ang pinakamadaling sagot dito ay ang pagbibigay ng kanilang mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, tirahan, at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive mobility

 67,786 total views

 67,786 total views Mga Kapanalig, simula ngayong linggo, bawal nang dumaan ang mga light electric vehicles (o LEVs) katulad ng e-bikes, e-trikes, at e-scooters sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila. Ang lalabag sa patakarang ito ng MMDA ay pagmumultahin ng ₱2,500. Kukumpiskahin din ang ‘di rehistradong LEV. Hindi natin maikakailang dumarami ang tumatangkilik ng LEVs

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Para sa content?

 58,280 total views

 58,280 total views Mga Kanapalig, napanood ba ninyo ang video ng mga vloggers mula sa South Cotabato kasama ang dalawang tarsier?  Makikita sa video ang isang vlogger na tumatawa habang hawak-hawak ang isang tarsier. Kausap niya ang may hawak ng camera na noong una ay ipinakikita lamang ang isa pang tarsier na nakakapit sa tangkay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabuhayan sa Bangketa

 77,677 total views

 77,677 total views Ang bangketa ay maraming bagay para sa mga Pilipino. Ito ay daanan, minsan tahanan, at kadalasan, tindahan ng maraming Pilipino. Dahil sa hirap ng buhay, oo, pati bangketa ay nagiging pwesto na ng maraming maliliit na negosyanteng Pilipino. Ang bangketa kasi ay daluyan ng tao, at kung saan may tao, may benta. Kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Street People

 88,792 total views

 88,792 total views Kapanalig, buksan natin ang ating mga mata. Dito sa Metro Manila, napakarami ng mga Pilipinong sa kalye nananahan, at tinatayang mga 250,000 dito ay mga children in street situations o CISS. Tahakin mo lang ang ilang major roads sa ating bayan, bubungad na agad sila. Mga Pilipinong nasa kalye ang hanapbuhay, at sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buhay sa Slum Settlements

 92,713 total views

 92,713 total views Madilim. Masikip. Marumi. Ito ay ilan lamang sa mga salitang naglalarawan sa mga slum areas sa ating bayan. Ang mga daanan sa ganitong lugar, motor o tao lamang ang kasya. Nagsasalubong na ang kanilang mga bubong kaya minsan, kahit araw, madilim sa mga eskinita. At dahil malayo sa daanan ng mga garbage collectors,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga katutubong pinaasa at pinalayas

 75,640 total views

 75,640 total views Mga Kapanalig, nagulat at nanlumo ang 44 na miyembro ng tribong Ati sa isla ng Boracay nang palayasin sila sa lupang inakala nilang napakasamay na nila. Linggo ng Palaspas nang dumating ang mga guwardyang naglagay ng mga piraso ng yero upang paligiran ang lupa. Hindi sila pinapasok ang mga katutubo kahit pa namagitan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top