‘Online Bible Festival’, gaganapin sa Bible Month-ECBA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 926 total reads

Hangad ng Biblical Apostolate ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na higit palalimin ang kamalayan ng mananampalataya sa mga Salita ng Diyos upang malagpasan ang iba’t ibang hamon at pandemya sa lipunan.

Ayon kay Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud, chairman ng CBCP-ECBA, magsasagawa ng Bible Festival ang bansa bilang paggunita sa National Bible month.

Layunin nitong mamulat ang mamamayan at magkaisang tumugon sa mga suliraning kinakaharap ng lipunan na nakakaapekto sa moralidad at dignidad ng tao.

“Ang Bible Festival ay layong makatutugon tayo sa iba’t ibang uri ng pandemya sa lipunan maliban sa COVID-19, ang pandemya ng kasakiman, karahasan, at kawalang paggalang at pagpahalaga sa buhay ng tao,” pahayag ni Bishop Bancud sa Radio Veritas.

Umaasa ang obispo na makatutugon ang mananampalataya sa makataong pamamaraan na sumasalamin sa Kadakilaan ng Diyos at mapanumbalik sa kaisipan at kamulatan ng lahat ng mananampalataya ang gawain bilang tao na nilikha ng Panginoon.



Nais din ng simbahan na sa pamamagitan ng Bible Festival ay maipalaganap ‘online’ ang mga Salita ng Diyos.

“Objective rin ng Bible Fest na ito, is to flood the virtual world with the Word of God,” dagdag ng obispo.

Gaganapin ang Bible Festival sa Enero 23 hanggang 25 na may temang ‘God’s Word Restores’.

Ayon pa kay Bishop Bancud, bawat araw ay may temang inilaan kung saan sa Enero 23 nakatuon ito sa ‘The Healing Power of God’s Word; sa 24 naman ang ‘The Uniting Power of God’s Word, at sa huling araw ang ‘The Transforming Power of God’s Word’.

Ang Bible Festival ay inisyatibo ng CBCP-ECBA, Philippine Bible Society, National Council of Churches in the Philippines, at ng Philippine Council of Evangelical Churches.

Ito rin ay bunga sa ginanap na ‘Year of Ecumenism, Interreligious Dialouge and Indigenous People’ noong 2020 ang paksa sa ikawalong taon ng paghahanda sa 500 Years of Christianity.

Matutunghayan ang Bible Festival sa Facebook Page ng CBCP, CBCP-ECBA at Radyo Veritas PH.

Taong 2017 nang ideklara ang buwan ng Enero bilang ‘National Bible Month’ sa bisa ng Presidential Proclamation No. 124 na nilagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 56,182 total reads

 56,182 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 152,567 total reads

 152,567 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 196,836 total reads

 196,836 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 219,945 total reads

 219,945 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 292,568 total reads

 292,568 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top