Pamamahagi ng lupa sa magtatapos ng Agriculture courses, suportado ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 815 total reads

Suportado ng Simbahang Katolika ang programa ng Department of Agrarian Reform na pamamahagi ng lupa sa mga magtatapos ng kursong may kinalaman sa agrikultura.

Ayon kay Fr. Anton CT Pascual, Executive Director ng Caritas Manila, mahalagang programa ito ng gobyerno na makatutulong mapaunlad ang sektor ng agrikultura sa bansa at mabawasan ang kahirapan ng mga Filipino.

“Suportado natin ang napakagandang programang ito ng DAR [Department of Agrarian Reform] sapagkat mahalaga ang sektor ng agrikultura upang malabanan ang karukhaan sa Pilipinas,” pahayag ni Fr. Pascual sa panayam ng Radio Veritas.

Dismayado ang pari sa kalagayan ng mga magsasaka at mangingisda sa bansa sapagkat ito ang pinakamahirap na sektor na dapat pinagtuunan ng pansin ng pamahalaan.

Disyembre 2020 nang lagdaan ni Agrarian Secretary Bro. John Castriciones ang kautusang mabigyan ng lupa ang mga kabataang magtatapos ng kurso na may kinalaman sa agrikultura alinsunod na rin sa nasasaad sa Republic Act 6657 o Comprehensive Agrarian Reform Law na naisabatas noong 1988.

Inihayag ni Castriciones na ito ay pagpapakita ng suporta na mas mapalago ang sektor ng agrikultura sa bansa at matiyak na may sapat na suplay ng pagkain ang bansa.

“Bibigyan natin ng lupa ang bawat agriculture graduate upang magamit at hindi masasayang ang kanilang pinag-aralan; ito rin ay paraan para mapalakas natin ang agrikultura sa ating bansa,” pahayag ng kalihim sa programang Radyo Agraryo sa Veritas846.

Sinabi ng kalihim na makatatanggap ng hanggang tatlong ektaryang lupa ang bawat kabataang magtatapos ng kursong agrikultura.

Binigyang diin naman ni Fr. Pascual na higit kinakailangan ang mga kabataang magsasaka sapagkat ito ang kinabukasan ng lipunan at mahalagang maturuan din sa pagnenegosyo o ang agripreneurs.

Batay sa pag-aaral ng DAR nasa 57-taong gulang ang average na edad ng mga magsasaka sa bansa habang kakaunti na lamang ang mga kabataang nagpapakita ng interes sa pagsasaka.

“Ang Caritas Manila, ay nagpapaaral ng halos isanlibong kabataan na kumukuha ngayon ng ‘Agri-Entrep’ para tulungang buhayin ang agri sector,” ani Fr. Pascual.

Muli namang hinikayat ng DAR ang mga diyosesis at parokya sa bansa na magtulungan sa pagsusulong ng pag-unlad sa sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng mga programa ng kagawaran.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 7,002 total reads

 7,002 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 60,886 total reads

 60,886 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 146,251 total reads

 146,251 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 192,988 total reads

 192,988 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 240,859 total reads

 240,859 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 341,810 total reads

 341,810 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top