Pagtatanim ng bakawan, isinulong ng environmental group

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,190 total reads

Ikinatuwa ng makakalikasang grupong nangangalaga sa yamang dagat ang pagkilos ng pamahalaan kaugnay sa pagtatanim ng Mangrove trees o bakawan bilang panangga sa kalamidad at nagsisibling tahanan ng mga isda.

Ayon kay Atty. Gloria Estenzo-Ramos, Vice-President ng Oceana Philippines nakasaad sa Philippine Fisheries Code na ang mga hindi ginagamit na palaisdaan ay maaaring muling pagtaniman ng mga mangrove. Sa ulat, maraming inabandonang palaisdaan nagiging pribadong pagmamay-ari ng mga kumpanya at tinatayuan ng mga imprastraktura sa halip na taniman ng mga bakawan.

“This is in the [Philippine] Fisheries Code na ‘yung mga abandoned, unutilized fishpond, which used to be a mangrove forest na kinonvert into fishpond should revert back to the state… Maraming mga fishpond na hindi ginagamit na nagiging “ownership” ng private entities. So, nawawala ito sa inventory natin ng public land and no one was looking,” bahagi ng pahayag ni Ramos sa panayam ng Radio Veritas.

Ayon sa grupo, ang pagpapanumbalik ng Mangrove forest sa mga palaisdaan ay dapat na unahin ng pamahalaan.

Makatutulong ang mga punong ito bilang tugon sa lumalalang epekto ng krisis ng pagbabago ng klima dahil mas kaya nitong linisin ang hangin ng tatlo hanggang limang beses kumpara sa terrestrial forests.

Samantala, sapilitang pinalayas at pinagiba ang tahanan ng humigit kumulang 100 pamilya sa Bulacan kung saan itatayo ang Bulacan Airport.

Ayon sa Oceana, ito’y kahit sa kabila ng wala pang inilalabas na Environmental Compliance Certificate (ECC) na kailangan bago ang pagtatayo ng paliparan.

Binigyang-diin ng grupo na ang pagtatayo ng Bulacan Airport ay magdudulot ng panganib sa mga residente gayundin sa kalikasan.

Paliwanag pa ng grupo na ang pagtatayuan ng paliparan ay hindi ligtas dahil madali itong bahain.

Hinikayat naman ng makakalikasang grupo ang pagtatanim ng maraming puno ng bakawan sa halip na magsagawa ng reklamasyon.

Sa turo ng simbahang katolika, bagamat pabor ang Simbahan na kumita ang mga mamumuhunan, subalit kinakailangang ang kitang ito ay nakakamit nang hindi naisasakripisyo ang mamamayan at na ang kalikasan.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 7,616 total reads

 7,616 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE POSTPONEMENT

 20,728 total reads

 20,728 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 125,055 total reads

 125,055 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 165,613 total reads

 165,613 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 186,067 total reads

 186,067 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 234,047 total reads

 234,047 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 133,708 total reads

 133,708 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top