Caritas Manila, patuloy ang ayuda sa mga jeepney driver

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 993 total reads

Nagsagawa ng relief operations ang social arm ng Archdiocese of Manila sa Diosdado P. Macapagal Elementary School para sa mga jeepney driver ng Tatalon, Quezon City.

Nabiyayaan ng tulong mula sa Caritas Manila ang mahigit sa 250 jeepney drivers ng Tatalon Araneta Jeepney Operators’ and Drivers Association at Tatalon Transport Service Multipurpose Cooperative na lubhang naapektuhan ng krisis na dala ng coronavirus pandemic.



Ayon kay Fr. Anton CT. Pascual, Executive Director ng Caritas Manila, kanilang patuloy na pinag-aaralan ang kooperatiba na makatutulong sa mga jeepney drivers upang matugunan ang kanilang pangangailangan.

“Pinapalakas natin ang kooperatiba para makapagbigay ng suporta sa mga jeepney drivers tulad nito na papalitan ang kanilang sasakyan,” bahagi ng pahayag ni Fr. Pascual sa panayam ng Radio Veritas.

Bahagi ng layunin ng pagbubuo ng kooperatiba ng Caritas Manila ay upang makatulong na makapag-ipon, makapag-loan at magkaroon ng modern jeepney na bahagi ng modernization program.

“Kasi kung kooperatiba ang itayo natin sila ang may ari nun. Kaya ang kita dun, babalik din sa kanila. Hindi tulad ‘pag nangutang sila sa bangko, ‘yung bangko ang kikita hindi sila.”pahayag ni Fr.Pascual

Samantala, ayon naman kay Caritas Manila Special operations head Fr. Moises Ciego, susunod namang tutulungan ng organisasyon ang mga jeepney driver sa may Diliman at Katipunan na pinili nang mamalimos dahil sa kakulangan at problema sa pamamasada.

Balak ng Caritas Manila na makapamahagi ng tulong sa 10-libong jeepney drivers sa Metro Manila na hirap pa ring makabawi dahil sa nararanasang pandemya.

Noong nakaraang taon ay nabigyan na ng ayuda ang mga jeepney drivers mula sa Tondo, Navotas, Taguig, Pasay at Caloocan City.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 6,782 total reads

 6,782 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE POSTPONEMENT

 19,165 total reads

 19,165 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 123,723 total reads

 123,723 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 164,281 total reads

 164,281 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 184,735 total reads

 184,735 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 232,771 total reads

 232,771 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 133,662 total reads

 133,662 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top