Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,664 total views

Kapanalig, tumaas na naman ang bilang ng teenage pregnancy sa bansa.

Ayon sa datos, nitong 2019 tumaas ng 7% ang bilang ng mga batang may edad 15 pababa na nabuntis at nagsilang na, kumpara sa bilang nito noong 2018.  62,341 ito noong 2018, at naging 62,510 ito noong 2019. Siyam na taon nang patuloy ang pagtaas ng bilang nito sa ating bansa. 755 lamang ito ng 2000 kapanalig, at ngayon, halos pito kada araw na ang batang nagsisilang ng sanggol. Isa sa tatlong panganganak na ito ay karaniwang nagaganap sa CALABARZON.

Marahil, iniisip niyo na napapariwara na ang mga kabataan ngayon, o di kaya pabaya ang kanilang mga magulang. Maaring iniisip din ninyo na puro kalaswaan na kasi ang nakikita ng mga bata ngayon. May mga pagkakataong nangyayari ang mga salik na iyan, kapanalig. Pero suriin nating mabuti ang sitwasyon ng mga batang ina.

Pagdating sa sex o pagtatalik, karaniwan, ang batang nasa puberty stage ay wala pang kamuwang-muwang ukol dito. Kung may alam man siya, wala pa siya sa tamang pag-iisip at wala rin siyang kahandaan upang harapin ang ganitong mga bagay. Hindi nila gagawin ito ng kusa. Kapag nangyari, rape ito, kapanalig. Ang age of consent sa ating bayan ngayon ay nasa edad 16. Kung may partner man sila sa  murang edad, wala silang kapasidad magdesisyon ukol dito, at kung nagawa nila ito, kaso na ito ng statutory rape.



Ang ating mga kabataan kapanalig ay ating mga kayamanan – sila ay dapat nating inalagaan. Pagdating ng puberty, mas nagiging mahirap ang pangangalaga sa kanila pero ito ang panahon na kailangan nila ang ating gabay. Hindi nararapat na maiwan silang mag-isa sa bagong mundong kanilang tinatahak. Kailangan nila ang ating pag-alalay. Ito ang pangunahing aksyon na dapat nating gawin upang matugunan ang problema ng teenage pregnancy sa ating bansa.

Maliban sa pag-gabay at pag-alalay sa kanila, tayo, bilang isang komunidad ay kailangang bigyan sila ng proteksyon. Kapanalig, maraming mga batang babae ang nabibiktima at nabubuntis ng panggagahasa mismo sa kanilang mga tahanan. Tinatayang isa sa limang kabataan may edad 13 hanggang 17 ang nakakaranas ng sexual violence sa bansa habang isa sa 25 ang nakaranas ng pang-gagahasa noong sila ay bata pa. Kailangan nating tiyakin na hindi na mangyayari ito. Ang dignidad ng bata, ang kanyang pagkakilanlan sa kanyang sarili, ang kanyang pagkatao ang ninakaw at inaalipusta kapag ito ay nangyayari. Ang mga ganitong pangyayari, ay lason sa lipunan, ayon sa Gaudium et Spes. Kailangan nating maiwaksi ito sa ating bayan.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 53,494 total views

 53,494 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 49,363 total views

 49,363 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 85,565 total views

 85,565 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 94,072 total views

 94,072 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 118,907 total views

 118,907 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT BIGO ANG K-12?

 53,495 total views

 53,495 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 49,364 total views

 49,364 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 85,566 total views

 85,566 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 94,073 total views

 94,073 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »
Scroll to Top