Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Magsisi, magbalik-loob; Paanyaya ngayong Kuwaresma

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 616 total views

Hamon sa pagbabalik loob sa Panginoon ang paanyaya ng karanasan na dulot ng pandemic novel coronavirus. Ito ang mensahe ni Ozamis Archbishop Martin Jumoad kaugnay sa pagsisimula Kuwaresma ang 40-araw na paghahanda sa pagpapakasakit ni Hesus.

Inihayag ng arsobispo ang karanasan sa pandemya at mga hamong kinakaharap ng tao ay paanyaya upang magbalik loob sa Panginoon. Paliwanag ng arsobispo na ang coronavirus pandemic ay pagkakataong makibahagi ang tao sa mga sakripisyo ni Hesukristo sa loob ng 40-araw.

“This pandemic is a calling for all of us to go nearer to the Lord; every pain and sorrow must be interpreted as an occasion for us to repent our sins,” pahayag ni Archbishop Jumoad sa panayam ng Radio Veritas.

Marso noong nakalipas na taon nang magpatupad ng community quarantine ang Pilipinas dahil sa coronavirus pandemic dahilan upang bumagsak ang ekonomiya at lumala ang suliranin ng kahirapan at kagutuman sa bansa. Subalit sinabi ni Archbishop Jumoad na sa muling pagkabuhay ng Panginoong Hesus ay pinaalalahanan ang lahat na may hangganan ang pandemya sa tulong ng Panginoon.

“We must look forward to the joy of being freed from this pandemic,” ani Archbishop Jumoad. Hinikayat din ng arsobispo ang mamamayan na palaganapin sa lipunan ang diwa ng pagbibigayan lalo’t higit ang mga nagdurusa dulot ng pandemya.

Umaasa rin itong maisabuhay sa pamayanan ang pagkakaisa at pagtutulungan upang malampasan at maibsan ang kahirapan. Batay sa taya ng pamahalaan mahigit apat na milyong pamilya sa bansa ang nakaranas ng kahirapan dahil sa kawalan ng pagkakitaan dahil sa pandemya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 86,890 total views

 86,890 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 154,378 total views

 154,378 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 175,443 total views

 175,443 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 196,181 total views

 196,181 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 226,381 total views

 226,381 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top