Kawanggawa sa kapwa, sagisag ng dakilang pag-ibig ng Panginoon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 789 total views

Inihayag ni Novaliches Bishop Emeritus Antonio Tobias na mas umigting ang katangian ng paglilimos at pagdarasal ng mamamayan sa panahong nahaharap sa pandemya ang lipunan.

Sa homiliya ng obispo nitong Pebrero 17 o ang Miyerkules de Ceniza inihayag nitong ang pagbabahagi sa kapwa lalo na sa mga naghihikahos ay maituturing na sagisag ng paglago ng pananampalataya at pagpalaganap ng dakilang pag-ibig ng Panginoon sa sambayanan.

“Sa panahong ito ng pandemya ang ating paglilimos ay nakatutulong at nagpapalakas sa ating pananampalataya ngayong kuwaresma; nagpapahayag ng pagmamahal ng Diyos sa kapwa,” pagninilay ni Bishop Tobias.

Ayon pa kay Bishop Tobias na sa lenten message ng Kanyang Kabanalan Francisco binigyang koneksyon nito ang theological virtues at ang mga mahahalagang gawain ng kuwaresma.

Paliwanag ng obispo na ang pananampalataya, pag-asa at pagmamahal ay nakaugnay sa pagdadasal, pag-ayuno at paglilimos.



Sinabi ng Obispo na sa pag-aayuno ay natutuhan ng tao ang pagkontrol sa sarili halimbawa sa pagkain kung saan nakapagbabahagi pa ito sa kapwa.

Giit ni Bishop Tobias na sa pagdarasal ay nabigyan ang bawat isa ng pag-asa sa katubusang hatid ni Hesus sa Kanyang muling pagkabuhay.

“Kapag naisagawa natin ang magandang hiyas ng pagiging kristiyano, ang pag-ayuno, pagdarasal at paglilimos ay lalong umuusbong ang ating pananampalataya, pag-asa at pagmamahal tungo sa ating kapwa,” ani Bishop Tobias.

Ang Miyerkules ng abo ang simula ng apatnapung araw na paghahanda sa pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus na nagdudulot ng kaligtasan sa sangkatauhan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 53,452 total views

 53,452 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 49,321 total views

 49,321 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 85,523 total views

 85,523 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 94,039 total views

 94,039 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 118,876 total views

 118,876 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top