Magsisi, magbalik-loob; Paanyaya ngayong Kuwaresma

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 867 total reads

Hamon sa pagbabalik loob sa Panginoon ang paanyaya ng karanasan na dulot ng pandemic novel coronavirus. Ito ang mensahe ni Ozamis Archbishop Martin Jumoad kaugnay sa pagsisimula Kuwaresma ang 40-araw na paghahanda sa pagpapakasakit ni Hesus.

Inihayag ng arsobispo ang karanasan sa pandemya at mga hamong kinakaharap ng tao ay paanyaya upang magbalik loob sa Panginoon. Paliwanag ng arsobispo na ang coronavirus pandemic ay pagkakataong makibahagi ang tao sa mga sakripisyo ni Hesukristo sa loob ng 40-araw.

“This pandemic is a calling for all of us to go nearer to the Lord; every pain and sorrow must be interpreted as an occasion for us to repent our sins,” pahayag ni Archbishop Jumoad sa panayam ng Radio Veritas.

Marso noong nakalipas na taon nang magpatupad ng community quarantine ang Pilipinas dahil sa coronavirus pandemic dahilan upang bumagsak ang ekonomiya at lumala ang suliranin ng kahirapan at kagutuman sa bansa. Subalit sinabi ni Archbishop Jumoad na sa muling pagkabuhay ng Panginoong Hesus ay pinaalalahanan ang lahat na may hangganan ang pandemya sa tulong ng Panginoon.

“We must look forward to the joy of being freed from this pandemic,” ani Archbishop Jumoad. Hinikayat din ng arsobispo ang mamamayan na palaganapin sa lipunan ang diwa ng pagbibigayan lalo’t higit ang mga nagdurusa dulot ng pandemya.

Umaasa rin itong maisabuhay sa pamayanan ang pagkakaisa at pagtutulungan upang malampasan at maibsan ang kahirapan. Batay sa taya ng pamahalaan mahigit apat na milyong pamilya sa bansa ang nakaranas ng kahirapan dahil sa kawalan ng pagkakitaan dahil sa pandemya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THE LOST LESSONS

 21,580 total reads

 21,580 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 71,946 total reads

 71,946 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 205,346 total reads

 205,346 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 290,728 total reads

 290,728 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 353,142 total reads

 353,142 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top