Kabataang Filipino, hinimok na magpatala sa voters registration

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 603 total reads

Kabataang Filipino, hinimok na magpatala sa voters registration

Naniniwala ang Catholic Educational Association of the Philippines National Capital Region (CEAP NCR) na mahalagang mabuksan ang kamalayan ng mga kabataan sa kapangyarihang bumoto ng bawat Filipino upang magluklok ng mga karapat-dapat na mga opisyal ng bayan.

Ayon kay Rev. Fr. Nolan A. Que – Regional Trustee ng CEAP NCR, dapat na mamulat ang mga kabataan sa mahalagang constitutional right ng bawat mamamayan sa isang demokratikong bansa tulad ng Pilipinas.

Ipinaliwanag ng Pari na dapat malaman ng mga kabataan na malaki ang kanilang maiiambag para sa pagkakaroon ng pagbabago at pag-unlad sa bayan sa pamamagitan ng pagboto ng mga karapat-dapat na mga opisyal.

Kabilang sa rekomendasyon ni Fr. Que ang pagtuturo sa mga Senior High School (SHS) students na magpatala bilang isang botante sa nagaganap na voter’s registration upang makaboto sa nakatakdang May 2022 National and Local Elections.

“I am reccomending that our Senior High School (SHS) students be taught how to register and vote for the May 2022 elections. Let us encourage our young brothers and sisters to take part on this important constitutional right that will make an impact to our nation and to the lives of every Filipino.” pahayag ni CEAP NCR Regional Trustee Rev. Fr. Nolan A. Que.



Pagbabahagi ng Pari, bilang isang Catholic organization ay naaangkop lamang na maging gabay ang mga Katolikong paaralan at institusyon sa paghuhubog ng mga kabataang may pakialam at pagmamalasakit sa bayan.

“As a Catholic organization, let us train our students to be more engaged in their social responsibilities and make their voices be heard on issues concerning the sanctity of life, the family, and the sacredness of the ballot.” Dagdag pa ni Fr. Que.

Nauna ng inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) na sa 4,000,000 target na bagong botante ng komisyon ay tanging 1,117,528 pa lamang ang nakapagpapatala sa kasalukuyang voter’s registration kung saan tanging 117,011 pa lamang ang mga bagong botanteng nagpatala mula sa National Capital Region.(Reyn Letran)

Attached Fr. Nolan A. Que’s Letter of Recommendation:

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 54,742 total reads

 54,742 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 141,238 total reads

 141,238 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 184,275 total reads

 184,275 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 234,034 total reads

 234,034 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 392,658 total reads

 392,658 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top