Ang totoong resulta ng eleksyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 460 total views

Mga Kapanalig, sa wakas, makalipas ang halos limang taon, natuldukan na ang electoral protest ng anak ng diktador at dating senador na si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. laban kay Vice President Maria Leonor “Leni” Robredo. Inilibas ng Korte Suprema na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (o PET) ang kanilang unanimous na desisyon noong isang linggo. Sa kabila nito, iginigiit pa rin ng kampo ni Ginoong Marcos na hindi pa tuluyang ibinabasura ang kaso dahil hindi pa raw tinutugunan ng PET ang third cause of action ng kanilang protesta kung saan nais nilang ipawalambisa ang mga boto mula sa ilang probinsya sa Mindanao. Agad naman itong binigyang linaw ng PET at muling nag-labas ng pahayag na “the protest was dismissed.”

Move on!” Ito ang panawagan ng mga tagasuporta ni VP Leni, ilang kaalyadong mambabatas, at civil society groups. Sa loob ng mahigit apat na taon o isang taon na lamang bago matapos ang termino ng posisyong pilit inaagaw ni Ginoong Marcos, mahaba na ang prosesong pinagdaanan ng lahat ng kampo at ng taumbayang sumusubaybay sa kasong ito.



Noong 2017, una nang nanindigan ang PET sa integridad ng 2016 elections. Noong 2019, natapos ang recount na bahagi ng second cause of action ng protesta ni Ginoong Marcos, at sa pilot recount mula sa mga probinsyang pinili niya mismo, naitalang panalo ang nakalabang si VP Leni na lumaki pa nga ang lamáng. Noong isang taon, hinangad ng kampo ni Ginoong Marcos, sa tulong pa ni Solicitor General Jose Calida, na ipatanggal si Justice Marivic Leonen sa PET. Tumatayong chief legal counsel ng mga Marcos si SolGen Calida sa kabila ng tungkuling kanyang hinahawakan bilang abogado ng pamahalaan. Hindi pinahintulutan ng mga mahistrado ang pagpapatanggal kay Justice Leonen na siyang nagunguna sa pagdinig sa kaso. At noong isang linggo nga, tuluyan nang ibinasura ng PET ang buong protesta.

Ikinatuwa ng kampo ni VP Leni ang naging desisyon ng PET. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, hinihintay pa rin ng kampo ni Ginoong Marcos ang opisyal na kopya ng desisyon at umaasang hindi pa tapos ang laban. Kasabay nito, inamin ng tagapagsalita ni Ginoong Marcos na muling tatakbo ang dating senador sa eleksyon sa 2022 ngunit hindi pa nila ibinunyag kung sa anong posisyon. Nang tanungin naman si VP Leni sa kanyang plano sa paparating na eleksyon, nanamnamin daw muna niya ang posisyong limang taon niyang ipinaglaban, at tututok muna sa mga kasalukuyang suliranin ng bansa.

Ipinaaalala sa atin ng panlipunang turo ng Simbahan ang kahalagahan ng eleksyon bilang paraan upang masiguro ang pagpapanagot o accountability ng taumbayan sa mga opisyal ng pamahalaan. Ang isang malaya at malinis na eleksyon ay mahalagang bahagi ng kasunduan ng taumbayan at mga lingkod-bayan. Nagsisilbi itong hiring process kung saan pumipili o pinapalitan ng taumbayan ang kanilang mga manggagawang sisigurong naitatataguyod ang kabutihang panlahat o common good.

Kaya naman, magandang balita na sa wakas ay natuldukan na ang halos limang taong pagkuwestyon sa pagkapanalo ng ating bise-presidente. Mainam nga sana kung mas mabilis na natatapos ang protestang katulad nito at hindi na umaabot pa ng maraming taon. Ang kasiguruhang malinis na nakamit ang posisyong pinaghahawakan ng mga nanunungkulan ay mahalaga sa pagkakaroon natin ng matatag na mga institusyon. Dagdag pa rito, malakas na kampanya laban sa pandaraya ang katiyakang epektibo at mabilis na matutugunan ang mga protestang may kinalaman sa eleksyon.

Mga Kapanalig, tulad ng sinasabi sa Juan 8:31, “katotohanan ang magpapalaya sa inyo.” Sa huli, ang totoong desisyon ng taumbayan ang nanaig. Nawa’y maging bukás na ang lahat ng kampo sa pagtanggap sa naging desisyon ng PET, at maging umpisa na ito ng paghihilom at pagkakaisa.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 50,905 total views

 50,905 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 46,774 total views

 46,774 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 82,976 total views

 82,976 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 91,581 total views

 91,581 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 116,600 total views

 116,600 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT BIGO ANG K-12?

 50,906 total views

 50,906 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 46,775 total views

 46,775 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 82,977 total views

 82,977 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 91,582 total views

 91,582 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »
Scroll to Top