Pamahalaan, hinamong paigtingin ang programang lulutas sa nararanasang kagutuman sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 734 total reads

Programa sa paglutas ng kagutuman at kahirapan sa bansa, dapat paigtingin ng pamahalaan.

Ito ang hamon ng dating opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-National Secretariat for Social Action Justice and Peace (CBCP-NASSA/Caritas Philippines) kaugnay sa patuloy pa ring pagtaas ng bilang ng mga nakararanas ng kagutuman dahil sa kahirapan na dinagdagan pa ng krisis sa pandemya.

Ayon kay Fr. Edu Gariguez, ang kasalukuyang Social Action Director ng Apostolic Vicariate ng Calapan, Occidental Mindoro na maraming mga programang maaaring ipatupad sa mga barangay at lokal na pamahalaan upang matiyak ang kasiguruhan sa pagkain lalo na sa panahon ng climate emergency.

“Maraming mga inisyatiba at programa na makahulugan at malaki ‘yung impact lalo’t higit kung ang tatargetin mo ‘yung pagtulong talaga sa mga mahihirap at sa isyu ng pagkain na nanganganib dahil dito sa napakalaking problemang ating hinaharap hindi lamang sa pandemic, kundi sa climate change,” bahagi ng pahayag ni Fr. Gariguez sa panayam ng Radio Veritas.

Nauna rito’y ibinahagi ng pari ang pag-apruba ng lokal na pamahalaan ng Sablayan, Occidental Mindoro sa Municipal Sustainable and Ecological Food System Council Ordinance nito upang bigyang pansin ang suliranin ng kakulangan sa pagkain sa gitna ng mga nararanasang krisis.

Ayon kay Fr. Gariguez na ang pagpasa sa nasabing ordinansa ay napakahalaga at malaki ang maitutulong sa pagsisikap ng lokal na pamahalaan upang matugunan ang usapin ng kahirapan at kagutuman.

“Kaya nga itong pagkilos na ito’y munti pero ang nais nga namin ay hamunin din yung ibang mga pamahalaan na tularan din ang napakalaking hakbang na ito lalo’t higit sa pagtugon sa problema ng kahirapan,” ayon sa pari.

Ang ordinansa ay isa sa tatlong pangunahing panukalang batas na dala-dala ng Padyak Touro: Krisis sa Klima na layong magbigay ng Climate Emergency Awareness, lalo na sa mga bulnerableng sektor ng bayan.

Batay sa huling survey ng Social Weather Stations noong November 21 hanggang 25, 2020, lumabas na nasa humigit-kumulang 7.6-milyong pamilya sa bansa ang nakararanas ng pagkagutom.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 27,068 total reads

 27,068 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 113,552 total reads

 113,552 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 160,291 total reads

 160,291 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 208,163 total reads

 208,163 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 310,771 total reads

 310,771 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 168,726 total reads

 168,726 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top