Simbahan, nanawagan sa taumbayan na suportahan ang Alay Kapwa program

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,386 total reads

Hinimok ni Maasin Bishop Precioso Cantillas ang mananampalataya na makibahagi sa misyon ng Panginoon sa pamamagitan ng pagsuporta sa Alay Kapwa program ng simbahan.

Ito ang paalala ng obispo kasabay ng paglunsad ng taunang programa ng simbahan na karaniwang ginagawa tuwing kuwaresma at semana santa.

Ipinag-utos ng diyosesis ang pagpapatupad sa Alay Kapwa program sa mga parokya na inilunsad nitong Pebrero 26.

“As a concrete response to our missionary vocation, I hereby decree the promotion and implementation of the Alay Kapwa spirituality in all the parishes in our diocese to ensure a uniform and faithful fostering for this Alay Kapwa spirituality in parishes and BECs,” bahagi ng pahayag ni Bishop Cantillas.

Paliwanag ng obispo na mahalaga ang pagtulong sa kapwa sapagkat naipapadama ng tao ang dakilang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan.

Ito rin ay paraan ng pakikibahagi sa misyon ni Hesus lalo ngayong panahon ng kuwaresma at ipinagdiwang ng bansa ang 500 Years of Christianity kung saan malaki ang bahagi ng Diyosesis ng Maasin sapagkat naganap ang unang makasaysayang misa sa Linggo ng Pagkabuhay noong Marso 31, 1521 sa Limasawa Island.

“We are given the opportunity to share Jesus’ mission to proclaim our faith by being of service to the needy and to the poor,” ani Bishop Cantillas.

Binigyang diin ni Bishop Cantillas na ang pakikiisa sa Alay Kapwa ay pagsasabuhay din sa turo ng simbahan lalo’t idineklara rin ng diyosesis ang 2021 bilang ‘Diocesan Year of the Eucharist’ kung saan ang bawat isa ay hinamong palalim ang pakikiisa kay Hesus sa pamamagitan ng paglingap sa nangangailangan.

Ang Alay Kapwa ay unang inilunsad ng simbahan noong 1974 na layong makapangalap ng pondo para maging standby fund ng simbahan na ginagamit sa pagtugon sa pangangailangan ng mamamayang nasasalanta ng anumang uri ng kalamidad.

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 42,366 total reads

 42,366 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 196,383 total reads

 196,383 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 231,056 total reads

 231,056 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 246,956 total reads

 246,956 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 283,444 total reads

 283,444 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 290,347 total reads

 290,347 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top