Simbahan, tutol na hatiin sa tatlong lalawigan ang Palawan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 783 total reads

Itinuturing ng dating Obispo ng Apostolic Vicariate of Taytay Palawan na isang matinding pagsubok para sa probinsya ang nakatakdang plebisito sa ika-13 ng Marso,2021.

Sa pamamagitan ng Save Palawan Movement, ibinahagi ni Taytay Palawan Bishop Emeritus Edgardo Juanich ang pagkadisma sa planong paghahati sa lalawigan ng Palawan dahil sa mga pampersonal at pampulitikang interes.

Bunsod nito, hinikayat ng Obispo ang mga makikibahagi sa plebisito na bumoto ng ‘No’ at manindigan para sa iisang probinsya ng Palawan.

“Humaharap man tayo sa matinding pagsubok dito sa ating probinsya dahil sa darating na March 13 ang nag-iisang probinsya natin ay hahatiin at ang malungkot lumalabas talaga na ito ay may pampersonal na interes mula po sa puso ng inyong lingkod sa darating na plebisito, ‘No’ po ang ating iboto, one Palawan po tayo.” pahayag ni Bishop Juanich.



Naninindigan rin ang kura paroko ng La Inmaculada Concepcion Parish sa Culion, Palawan na si Rev. Fr. Roderick Yap Caabay laban sa planong paghahati sa probinsya ng Palawan.

Ipinaliwanag ng Pari na tanging mga pulitiko lamang ang makikinabang sa planong paglikha ng tatlong probinsya sa Palawan at hindi ang mga ordinaryong mamamayan.

Bukod dito, inaalala rin ni Fr. Caabay na sa halip na sa serbisyo publiko ilaan ang pondo ng bayan para sa probinsya ay mauuwi lamang ito sa mga dagdag gastos sa pasahod ng mga bubuo sa tatlong kapitolyo sa Palawan.

“Bilang Paring Palaweño, ako po’y tutol sa paghahati ng Palawan sa tatlo. Una po dahil sa tingin natin ang paghahating ito ay hindi para sa Palaweño kundi para lamang sa pulitiko. Pangalawa tutol po tayo dahil sa kalikasan wala pong aral ito sa kalikasan at pangatlo alam po natin na ito ay dagdag gastos po sapagkat sa tatlong kapitolyo ibig sabihin tatlong gobernador ang papaswelduhin natin, tatlong bise, ang lahat ng ito ay mauubos lamang po sa pasweldo ng mga empleyado at wala na pong serbisyo publiko ang makakarating sa ating mga ordinaryong mamamayan, kaya para sa akin vote “No”.” Paliwanag ni Fr. Caabay.

Nakatakda ang plebisito sa ika-13 ng Marso na naglalayong magkaroon ng ratipikasyon ang Batas Republika bilang 11259 na maglilikha sa tatlong magkakahiwalay na probinsya sa Palawan at pagtatatag ng Palawan del Norte, Palawan Oriental at Palawan del Sur.

Manu-mano ang sistema ng pagboto sa nakatakdang plebisito kung saan isusulat ng mga kuwalipikadong botante na makibahagi sa plebisito ang salitang “Yes” o “Oo” o pabor sa paglilikha ng tatlong probinsya sa Palawan at “No” o “Hindi”sa nais na mapanatili ang kasalukuyang iisang probinsya ng Palawan.

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 3,430 total reads

 3,430 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 144,793 total reads

 144,793 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 179,470 total reads

 179,470 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 197,313 total reads

 197,313 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 233,798 total reads

 233,798 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 243,577 total reads

 243,577 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 3,432 total reads

 3,432 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »
Scroll to Top