Ipalaganap ang kabutihan ng pananampalatayang Kristiyano

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 886 total reads

Hinimok ng obispo ng Diyosesis ng Borongan ang mga magulang at mamamayan na patuloy ibahagi ang biyaya ng pananampalataya.

Ito ang bahagi ng liham pastoral ng diyosesis sa pagdiriwang ng 500 Years of Christianity sa Pilipinas ngayong taong 2021.

Ayon kay Bishop Crispin Varquez, malaki ang papel na ginagampanan ng mga magulang upang maipaabot sa susunod na henerasyon ang mga turo ng pananampalatayang kristiyano.

“I specifically encourage and thank parents who take it upon themselves to teach and transmit the beauty and the truth of our Catholic faith to their children. You are doing a very admirable mission. I encourage you to continue,” ayon sa liham pastoral ni Bishop Varquez.

Iginiit ng obispo na bagamat maraming pamamaraan sa paghahayag ng mabuting balita tulad ng internet ay mas mahalagang maging saksi ng katotohanan na naibabahagi ng personal sa paggawa ng mabuti sa kapwa.

Puspusan ang paghahanda ng diyosesis sa 500YOC dahil naging bahagi ang Homonhon island sa Guian Eastern Samar sa makasaysayang pagdating ng Kristiyanismo makaraang dumaong ang grupo ni Ferdinand Magellan sa isla noong Marso 16, 1521.

Sinalubong ang mga espanyol ng mga ninuno ng Samar at malugod na tinanggap ang mga misyonerong kasama ng grupo.

Hinimok ni Bishop Varquez ang bawat isa na maging matatag sa pagpapalago ng pananampalataya sa kabila ng iba’t-ibang hamong kinakaharap.

“May I urge you to remain in your firm conviction; I thank the priests and religious men and women, our GKKs in our chapels, our religious organizations, renewal movements, confradias and our lay faithful who are very creative and passionate in transmitting the treasures of our Catholic faith.”paanyaya ng Obispo

Dalangin ng obispo na maging mabunga ang paggunita sa ikalimang sentenaryo ng kristiyanismo sa bansa kung saan pinalawig ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga gawain dahil sa mga limitasyong dulot ng pandemya.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 1,986 total reads

 1,986 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 7,773 total reads

 7,773 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 45,521 total reads

 45,521 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 271,791 total reads

 271,791 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 165,257 total reads

 165,257 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 258,912 total reads

 258,912 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top