Kababaihan, kinilala ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 593 total reads

Kinilala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang ambag ng kababaihan sa lipunan lalo na ang mga migranteng babae na nakipagsapalaran sa ibayong dagat sa iba’t-ibang larangan.

Ito ang mensahe ni Balanga Bishop Ruperto Santos, bishop-promoter ng Stella Maris Philippines sa pagdiriwang ng International Women’s Month ngayong Marso.

Ayon sa obispo, kahanga-hanga ang mga halimbawang ipinamalas ng kababaihan na buong loob hinarap ang bawat hamon sa ibayong dagat para sa pamilyang naiwan sa bansa.

“On this National Women’s month, we, at CBCP Stella Maris Philippines would like to express our gratitude for the services and sacrifices of the important women in our life, especially the migrants and seafarers,” mensahe ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag pa ng obispo na ipinakikita ng mga Filipina ang katatagan at kahandaang suungin ang anumang hirap sa ibayong dagat mabigyan lamang ng maginhawang pamumuhay ang pamilya.

Sa pag-aaral ng Philippine Statistics Authority sa pagitan ng Abril hanggang Setyembre noong 2019, umabot sa mahigit dalawang milyon ang umalis sa Pilipinas para maghanapbuhay sa ibang bansa.

Sa nasabing bilang 56 na porsiyento ay mga babae.

“We extol their virtues of devotion to their families, and dedication to their works. As they labor in foreign lands and brave the seas, they manifest their resiliency against life’s trials and their strength to go on,” dagdag pa ni Bishop Santos.

Tiniyak ni Bishop Santos ang patuloy na panalangin para sa mga migranteng Pilipino lalo ang kababaihan na manatiling ligtas sa anumang uri ng kapahamakan.

“We pray for them wherever they are, that they will be safe, strong and successful. We offer Holy Masses, imploring God’s protection and His guidance, to bring them safely home and happily reunited with their loved ones,” ani ng obispo.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 17,432 total reads

 17,432 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 38,031 total reads

 38,031 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 107,880 total reads

 107,880 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 193,248 total reads

 193,248 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 239,984 total reads

 239,984 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 287,856 total reads

 287,856 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 386,372 total reads

 386,372 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top