Manindigan laban sa karahasan, hamon ng AMRSP sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 628 total views

Hinimok ng Association of Major Religious Superiors in the Philippines (A-M-R-S-P) ang mananampalataya na magkaisang manindigan at tutulan ang karahasan sa lipunan.

Ito ang tugon ng religious group sa sunod-sunod na karahasang nagaganap sa bansa sa kabila ng patuloy na pagharap sa epekto ng pandemya.

“We ask all Catholics, Christians of other denominations, people of other faiths and all peoples of goodwill – let us stem the tide of violence and hatred in our homes, in our workplaces, in our streets, in the halls of governance, in our society,” pahayag ng A-M-R-S-P.

Ilan dito ang pagpaslang sa mga uring manggagawa ng Calabarzon noong Marso 7 kung saan siyam na indibidwal ang nasawi sa operasyon ng PNP at mga sundalo habang anim ang inaresto na kapwa pinaratangang kasapi ng rebeldeng grupo.

Bukod pa rito ang pagkakapaslang kay Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino at mga kasama sa hinihinalang ‘shootout’ kung saan ayon sa pamilya ng alkalde malinaw na ‘ambush’ ang ginawa ng PNP batay na rin sa salaysay ng mga saksi.

Naniniwala ang A-M-R-S-P na ang mga karahasan sa pamayanan ay magdudulot ng pagkakawatak-watak ng mamamayan.

“This is not the Lord’s way. It is not the path to peace, justice and progress. What we witness today is the reign of violence, intolerance, hatred and division. We are sure this is the handiwork of the devil himself. We cannot shirk our duty to combat evil in our midst,” dagdag pa ng grupo.

Dismayado rin ang religious group sa pagkansela ng pamahalaan sa permanent visa ni lay missionary Otto de Vries mula sa Diyosesis ng Rotterdam sa The Netherlands na mahigit tatlong dekada ng naglingkod sa Prelatura ng Infanta dahil sa alegasyong pakikisangkot sa political rally.



Habang patuloy pa ring nakaranas ng panggigipit ang Rural Missionaries of the Philippines matapos tanggalin ang rehistro sa Securities and Exchange Commission at nanatiling naka-freeze ang bank accounts nito alinsunod sa kautusan ng Anti-Money Laundering Council dahil sa alegasyong pagkakasangkot sa teroristang grupo.

Nanindigan ang grupo na bilang kristiyano ay mananatiling manindigan ito para sa katarungan at pagkakapantay-pantay sa lipunan.

“As religious and as followers of Christ we cannot remain silent as death and destruction stalk our land. As prophetic witnesses we continue to denounce this blatant disregard for the dignity and value of human life. Each and every Filipino deserves to live regardless of his/her standing in society. Each and every Filipino deserves to share ideas and opinions without fear of death or intimidation,” giit ng A-M-R-S-P.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 22,782 total views

 22,782 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 47,098 total views

 47,098 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 82,888 total views

 82,888 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 124,398 total views

 124,398 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 176,180 total views

 176,180 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top