Archdiocese ng Manila, magbibigay ng tulong sa mahihirap na komunidad sa Huwebes Santo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 639 total reads

Ibinahagi ng Arkidiyosesis ng Maynila na mamamahagi ito ng tulong sa mga mahihirap na komunidad na labis naapektuhan ng pandemya sa Huwebes Santo.

Ayon kay Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo na siya ring chairman ng Catholic Bishop Conference of the Philippines, ito ay pagpapatuloy sa misyon ng simbahan na paglingap sa kapwa.

“Sa Huwebes Santo, mamimigay ng ayuda ang simbahan para sa mahihirap lalo na ang mga affected sa pandemic,” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Ito rin ang binigyang diin ng obispo sa inilabas na Pastoral Statement ng arkidiyosesis kung saan sa huling hapunan ng Panginoong Hesus ay itinagubilin nito sa bawat isa ang pagpalaganap ng pag-ibig sa kapwa.

“We concretely show this love by caring for the poor. Let every parish distribute material help to people who are most affected by the lack of food during these days of the pandemic,” bahagi ng pastoral statement ni Bishop Pabillo.

Maaring gamitin ng mga parokya ang nalikom na pondo mula sa isinagawang special collections sa Alay Kapwa sa buong kuwaresma.

Dahil dito hinikayat ni Bishop Pabillo ang mamamayan na nais magbahagi ng kanilang biyaya sa higit nangangailangan na makipag-ugnayan lamang sa kani-kanilang parokya upang maayos ang pagbabagi nito.

“I would like to invite those who still have something to spare to augment this collection to feed the hungry,” ani ng obispo.

Batay sa pag-aaral ng National Economic and Development Authority nasa 3.2 milyon ang bilang ng mga Filipinong nagugutom dahil sa pandemya.

Ayon kay acting NEDA chief Karl Kendrick Chua maaring madadagdagan ito ng halos 60 libo kung muling magpatupad ang pamahalaan ng modified enhanced community quarantine.

Matatandaang simula Marso 2020 aktibo ang Caritas Manila, ang social arm ng arkidiyosesis sa pamamahagi ng tulong sa urban communities kung saan mahigit sa siyam na milyong indibidwal ang natulungan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 51,867 total reads

 51,867 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 148,529 total reads

 148,529 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 192,798 total reads

 192,798 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 215,907 total reads

 215,907 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 288,735 total reads

 288,735 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top