Arancel System, inalis na ng Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 825 total views

Pormal nang ipinag-utos ng Arkidiyosesis ng Maynila ang pagtanggal sa arancel system sa mga simbahan.

Batay sa inilabas na decree ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, simula sa Abril 14, 2021 ay wala nang ipapataw na fixed rates sa mga sakramento ng simbahan tulad ng binyag at kumpil.

“In view of the foregoing, we hereby decree that beginning April 14, 2021, there will be no longer be any fixed rates for the celebrations of the sacraments of baptism and confirmation and for the offering of Mass intentions in the churches in the Archdiocese of Manila,” bahagi ng pahayag ng arkidiyosesis.

Matatandaang 2017 nang maglabas ng pastoral letter ang Ecclesiastical Province of Manila hinggil sa ‘stewardship’ at ang pagtanggal ng arancel syste, batay na rin sa Second Plenary Council of the Philippines.
Muli rin itong pinagtibay ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines bilang kaloob ng simbahan sa mananampalataya sa pagdiriwang ng 500 Years of Christianity.

Sa kabila nito hinimok ng simbahan ang mananampalataya na magbigay ng abot ng kanilang makakaya upang matulungan ang pagpapatakbo ng simbahan at mga kawani nito.

“Donations, however, from the faithful for the support of their church are encouraged,” dagdag pa ng arkidiyosesis.
Patuloy naman ang paghahanda ng arkdiyosesis sa ‘stewardship program’ at sa tuluyang pagbuwag ng arancel system upang mabigyang daan ang mananampalataya sa pagtanggap ng mga sakramento.

Ilang mga diyosesis na rin sa bansa ang nagtanggal ng arancel system tulad ng Diyosesis ng Balanga at mga diyosesis sa Visayas at Mindanao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 107,181 total views

 107,181 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 137,404 total views

 137,404 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 164,052 total views

 164,052 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 259,025 total views

 259,025 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 273,135 total views

 273,135 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top