Examination of conscience at confession.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 945 total reads

Hinihikayat ng Military Ordinariate of the Philippines ang bawat mananampalataya partikular na ang mga kasapi Armed Forces of the Philippines at Philippine National Forces na suriin ang sarili bilang paghahanda sa paggunita ng Semana Santa.

Ayon kay Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, mahalaga ang pagsusuri ng budhi at paraan ng pamumuhay ng bawat isa upang maitama ang mga pagkakamali ng naaayon sa turo ng Panginoon.

Ipinaliwanag ng Obispo na sa pamamagitan ng sakramento ng kumpisal ay makakamit ng bawat isa ang kapatawaran at pagmamahal ng Diyos mula sa anumang pagkakamali o kasalanang nagawa sa buhay.

Sinabi ni Bishop Florencio na napapanahon ang pagninilay sa sarili, pagpapanibago at pagbabalik loob ngayong Semana Santa na paggunita sa pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus upang iligtas ang sangkatauhan sa kasalanan.

“Papasok tayo ng Holy Week ang isang bagay na gusto kong ipayo is to keep ourselves open is on the examination of conscience because its contemplating on ourselves, our person, contemplating us saan ba tayo, ano ba ang ginagawa ko, what are those things na dapat kong mapalitan, dapat kong i-improve and all these things. So the examination of conscience that will lead us doon sa confession, because confession also a praying field moment wherein we can receive God’s forgiveness and God’s love para sa ating lahat…”pahayag ni Bishop Florencio sa panayam sa Radio Veritas.

Unang binigyang diin ng Kanyang Kabanalan Francisco ang kahalagahan ng Sacrament of Reconciliation o Sacrament of Confession na naglalayong magkaroon ng matatag na spiritual health ang bawat isa.

Ayon kay Pope Francis ang puso o ang diwa ng pangungumpisal ay hindi lamang ang pag-amin sa mga kasalanan kundi ang pagpapatawad at pagmamahal na nagmumula sa Panginoon sa kabila ng anumang pagkakamaling nagawa ng bawat isa.

Saklaw ng Military Ordinariate of the Philippines ang pangangasiwa sa paggabay sa buhay espiritwal ng mga men and women in uniform mula sa Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management & Penology (BJMP) at Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 55,038 total reads

 55,038 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 106,474 total reads

 106,474 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 227,054 total reads

 227,054 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 277,411 total reads

 277,411 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 402,308 total reads

 402,308 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top