Arancel sa binyag, pamisa at kumpil, tuluyan ng inalis ng Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 808 total reads

Wala nang babayarang fixed-rate o arancel ang mga mananampalataya sa pagtanggap ng mga sakramento sa mga parokya sa mga simbahan ng Maynila.

Ito ay bilang tugon sa inilabas na pastoral letter ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na sinusugan din ng pastoral decree.

Ayon kay Bishop Broderick Pabillo-Apostolic Administrator ng Archdiocese of Manila ang pagtatanggal ng fixed-rate ay ipapatupad sa April 14 kasabay na rin ng paggunita ng Pilipinas sa kauna-unahang binyag na ginanap sa Cebu noong 1521.

“Napagkasunduan po ng CBCP na tanggalin na rin. Nagkaroon po ng pastoral letter ang CBCP nung nakaraang taon at dito sa Metro Manila nung 2017 nagkaroon din ng sulat ang mga Obispo na iyan ay dahan-dahang tanggalin. Ang problema lang dahil sa walang time frame,”ayon kay Bishop Pabillo.



Kabilang sa mga tinanggal ang arancel sa binyag, kumpil at pagpapamisa.

“Kaya gumawa na tayo ng pastoral decree na gawin natin sa April 14 na wala ng arancel sa binyag, kumpil at ganoon din po sa pagpapamisa,” ayon kay Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Ang Archdiocese of Manila ay binubuo ng 86 na parokya na may higit
sa tatlong milyong mananampalataya.

“yung sa kasal dahan-dahang tatanggalin na rin yan kasi masalimoot marami pang binabayaran na hindi naman bahagi ng kasal talaga, tulad ng bulaklak, kumakanta sa kasal kaya’t marami pang gagawin nap ag-uusap diyan,” dagdag pa ng obispo.

Bukod sa Maynila, ipinapatupad na rin ang pagtatanggal ng arancel system sa Archdiocese ng Lingayen-Dagupan, Diocese ng Balanga at iba pang mga diyosesis sa buong bansa.

Hinihikayat naman ng CBCP ang mga mananampalataya na magbigay ng donasyon sa abot ng kanilang makakaya bilang tulong sa mga gastusin sa parokya at suweldo ng mga kawani ng simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 4,721 total reads

 4,721 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 42,101 total reads

 42,101 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 73,372 total reads

 73,372 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 150,616 total reads

 150,616 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 244,593 total reads

 244,593 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top