Lahat ng tao ay anak ng Diyos maging mga kriminal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 374 total views

Ito ang binigyang diin ni Lipa Archbishop Ramon Arguelles – Chairman ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs kaugnay sa pagdami ng mga namamatay sa mas pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

Pinayuhan ni Archbishop Arguelles ang pamahalaan partikular ang mga law enforcement agency na gabayan ang mga nagkasala sa batas na maging mabuting mamamayan at makapagbalik-loob sa Diyos sa halip na basta na lamang patayin ng hindi binibigyan ng pagkakataong magsisi at makapagbagong buhay.

“Kailangan diyan transformation, kahit na yung kriminal anak yan ng Diyos pati yung mga drug-lord. Kailangan ng transformation, Anong unang transformation? kung tayo ay may kinikilalang Diyos, magmalasakit tayo sa kapwa tao. Kapag inalis mo ang Diyos katulad ng ginagawa ng mga tao,lahat ay kalaban mo,”pahayag ni Archbishop Arguelles.

Inihayag ni Archbishop na ang pagbabagong hinahangad para sa lipunan ay dapat na magsimula sa sarili kaya’t mahalagang maibalik ang Diyos sa buhay ng bawat mamamayan tungo sa hinahangad ng bawat isa na pagbabago para sa bayan.

Unang nanawagan si Archbishop Arguelles sa kahalagahan ng partisipasyon at suporta ng komunidad, parokya at pamilya drug users at pushers para mabigyan ng pag-asang makapagbagong buhay at tuluyang masupil ang ilegal na droga.

Sa pinakahuling tala ng Philippine National Police mula unang araw ng Hulyo hanggang ika-31 ng Agosto 2016, umaabot na sa 900 ang bilang ng mga namamatay sa operasyon ng mga pulis, nasa 12,930 drug suspects ang naaresto habang umaabot na sa 627,358 ang bilang ng mga drug users at pushers na kusang sumuko sa mga otoridad sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 17,652 total views

 17,652 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 191,586 total views

 191,586 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 169,219 total views

 169,219 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 232,829 total views

 232,829 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 251,351 total views

 251,351 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top