Frontliners, kinilala ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 660 total reads

Nagpahayag ng pagkilala at pasasalamat ang Military Ordinariate of the Philippines sa lahat ng frontliners na matapang na hinaharap ang banta ng kapahamakan dulot ng COVID-19 pandemic.

Ito ang bahagi ng pagninilay ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio kaugnay sa ika-79 na taong paggunita sa Araw ng Kagitingan.

Ayon kay Bishop Florencio, vice chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Health Care, malaki ang papel na ginagampanan ng mga frontliners upang maprotektahan at mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng mamamayan mula sa nakahahawa at nakamamatay na sakit.

Nilinaw naman ni Bishop Florencio na dapat ring bigyang pagkilala ang mga mamamayan na sumusunod sa panuntunan ng pamahalaan.

“Unang-una huwag nating kalimutan yung mga frontliners, ito yung mga ano [taga-protekta] natin talagang kitang kita sila yung mga health care workers natin, yung mga sundalo natin saka yung mga pulis natin these are people [na] dapat we have to be proud of them, we have to be proud of them. But also hindi lang sila, we have also to be proud to the many people, to the many people who follows yung sumusunod dito sa kung ano ang ibinibigay ng IATF protocols…” pahayag ni Military Bishop Florencio sa panayam sa Radio Veritas.



Iginiit ng Obispo na nararapat lamang kilalanin ang kagitingan at simpleng ambag ng mamamayan sa pagsunod sa mga panuntunan at pagpapamalas ng disiplina.

“huwag nating kakalimutan din ang payak na mga simpleng tao na namumuhay na nandoon din ang kanilang gustong sumunod, na kanilang gustong maipakita yung disiplina nila kahit siguro ilang buwan nandoon pa rin sila sumunod pa rin so bigyan din natin sila ng parangal kasi magigiting din yan…” Dagdag pa ni Bishop Florencio.

Ang Araw ng Kagitingan o Day of Valor ay isa ring pag-alala sa tinaguriang Bataan Death March kung saan sapilitang pinaglakad ng mga Hapon ang mga Filipino at Amerikanong sundalo na tinaguriang mga ‘prisoners of war’ mula Bataan hanggang San Fernando, Pampanga.

Batay sa tala, mula sa mahigit 75-libong Filipino at Amerikanong sumuko sa mga Hapon, nasa 5 hanggang 10-libo sa mga ito ang nasawi dahil sa naranasang kalupitan, o gutom at sakit.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 91,467 total reads

 91,467 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 168,706 total reads

 168,706 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 202,154 total reads

 202,154 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 237,453 total reads

 237,453 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 460,417 total reads

 460,417 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top